AMARIS CHANDRA'S POV
Nagising ako sa pag-alog sa akin ni ate Yvaine sa balikat ko. Napatingin naman ako sa wall clock ko. Mag aalas-siete na pala. Dinner na.
"Tara na sabay na tayo bumaba" malambing na sabi ni ate Yvaine.
Napansin ko namang nakahawi ang kurtina ko at kitang-kita mula sa bintana ko ang first quarter moon. Ang liwanag niya.
Medyo masakit pa din yung nararamdaman ko ngayon. Tao pa din naman ako.
Antay ka lang, ate Coreen. Mawawalan ka na ng trabaho bukas. Hindi bagay sa'yo maging abogado.
Tumayo na ako sa higaan ko at sabay na kaming lumabas ni ate Yvaine sa kwarto ko saka dumiretso na sa dining.
Nakaupo na sila mom, dad, at kuya Aero sa mga pwesto nila, masayang nagku-kwentuhan.
"Good evening" sabay na bati namin ni ate Yvaine.
"Oh, good evening din mga prinsesa namin" malambing na sabi ni dad.
"Upo na kayo para makakain na tayo" nakangiting sabi ni mom.
Nag pray muna bago kami nag-umpisang kumain. Tahimik lang si kuya Aero, hindi siya ganito katahimik pag nakain kami, does he know?
Ilang minuto pa ay pare-pareho na kaming malapit na matapos sa pagkain nang may nagsalita sa likod namin.
"Good evening" bati ni tita Loisa, lumingon ako sa kanya sa pag-aakalang mag-isa lang siya.
Walang good sa evening ko.
"Good evening din, Loisa." Sabi ni dad.
"May dala akong dessert, binili namin galing Batangas, egg pie." Sabi ni tita Loisa saka nilapag yung egg pie sa lamesa.
"Tapos na po ako" sabi ko, akma na sana akong tatayo nang hinila ako paupo ni ate Yvaine.
Tumayo siya at lumapit kay ate Coreen. Sinampal niya ito ng malakas na ikinagulat namin. Agad namang tumayo si kuya Aero para pigilan si ate Yvaine.
"Yvaine! Why did you do that?!" Galit na tanong ni dad kay ate Yvaine.
Hindi pinansin ni ate Yvaine si daddy, ang tingin niya ay diretso pa din kay ate Coreen.
"Ang kapal naman talaga ng mukha mo para pumunta pa dito sa bahay, hindi ka talaga nahihiya 'no?" Diing sabi ni ate Yvaine kay ate Coreen.
"What is the meaning of this?!" Galit na sigaw pa din ni dad.
![](https://img.wattpad.com/cover/263380528-288-k741447.jpg)
BINABASA MO ANG
CHANDRA
Storie breviStart: February 2021 End: July 2022 The Story of a Selenophile Sa likod ng kanyang mabuting pagkatao ay may natatagong galit na lumalabas sa tuwing nasasaktan ang malalapit sa kanya.