CHAPTER 19

13 0 0
                                    

AMARIS CHANDRA'S POV

Nandito na kami ngayon sa club nila ate Alexandra, malaki ang club nila, pero sakto lang ang dami ng tao.

May upuan na agad kami dito dahil pinareserve na ni ate Alex para sa amin. Happy ako dahil may girlfriend na ang kuya namin. Yieeee hope all.

Nag-order na si ate Yvaine ng dalawang tequila, tatlong vodka, isang whiskey at dalawang martini. Oh ha puro hard naman ate Yvaine. Sa totoo lang si ate Yvaine ang mataas ang tolerance sa aming tatlo. Sakto lang ako tolerance ko.

Si ate Alex ang naglalagay ng drinks namin para fair hahaha. Yung dalawang martini agad ang binuksan.

"Para sa ating lahat!" Sigaw ni Luan bago namin tinungga ang mga baso namin buti na lang at may chichirya.

Gumuguhit sa lalamunan ko yung martini.

Kwentuhan at tawanan pa din kami syempre asaran din. Dumating din si kuya Melvin, chinat siguro siya ni ate Yvaine.

Ilang saglit pa ay naubos na namin yung dalawang martini, wala pa namang may tama sa amin pero mamaya panigurado akong tatamaan na ako.

Limitado lang ang inom nila kuya Aero, Paul, at Patrick. Si ate Yvaine naman ay parang hindi naaapektuhan ng alak.

Sunod na binuksan ang isang whiskey, mabilis lang namin itong inubos. Medyo malakas din.

Agad nilang binuksan ang tatlong vodka. Mukhang bibigay ako dito, wala bang pahinga kahit saglit?

Si ate Yvaine na ang naglagay. Sabi ko nga walang pahinga hahaha. Wala pa ding tama kay ate Yvaine. Binabantayan lang siya ni kuya Melvin habang nag-iinom ito.

Binuksan na din nila yung dalawang tequila, nako mukhang hindi ko na kakayanin.

Lumipas ang oras dalawang vodka at isang tequila na ang naubos namin. May tig-isa pang vodka at tequila. Si ate Yvaine namumula lang pero hindi pa din daw sya nahihilo. Si Luan naman ay tumigil na dahil nahihilo na daw siya.

Dalawang shot na lang ayoko na. Tig-isang shot para sa vodka at tequila. Nang nainom ko na ang vodka huminto muna ako, ilang minuto lang ay tequila na ang sinunod ko at agad ko itong sinabayan ng lemon.

Ang pangit talaga ng lasa ng tequila, hindi na ako uulit. Nakakaramdam na ako ng hilo. Kaya naman sumandal ako sa sofa at ipinikit ko ang mata ko.

Narinig ko pang nag-aya na si kuya Aero ng uwi. Tumango na lang ako bilang sagot. Ramdam kong may umalalay sa akin.

"Sabi ko sa'yo huwag kang magpapakalango ei. High tolerance ka nga pero hindi kagaya ni Yvaine, love." Pinagsasabihan ako ni Paul ngayon.

Nakahawak siya sa dalawang balikat ko para alalayan ako, si ate Alex naman ay malapit na dito ang bahay kaya naman hinatid na siya ni kuya.

Naglalakad na kami ni Paul papunta sa kotse niya. Sinabihan pa ako ng makulit.

Ipinasok na ako ni Paul sa kotse niya at sinuotan ako ng seat belt. May kung ano-ano pa siyang sinasabi kaya naman nagsasalita din ako ng kung ano-ano hahaha. Pinalapit ko siya sa akin nang makasakay siya sa driver seat, agad din naman siyang lumapit. Maya-maya lang ay nakatulog na ako.

PAUL ARIES' POV

LASING na talaga siya. Kung ano-ano ang sinabi niya kanina at kung ano-ano ang ginagawa habang papunta kami sa kotse.

Flashback...

"Makulit ka talaga my moon." Sabi ko sa kanya. Napailing na lang ako.

CHANDRATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon