AMARIS CHANDRA'S POV
Nagising na lang ako nang marinig kong may nag-uusap dito sa loob ng private room ni kuya Aero.
Hindi ko iminulat ang mga mata ko at pinakinggan ko lang ang dalawang taong nag-uusap.
"Paul, kitang-kita ko kung paano binawian ng buhay sila mom at dad...k-kitang-kita ko kung p-paano tumulo yung dugo nila mula sa dibdib n-nila" bakas sa boses ni kuya Aero na malapit na siyang umiyak. "B-Bro, hindi ko man lang sila naprotektahan" sambit pa ni kuya Aero at doon tuluyan ko nang narinig ang pag-iyak niya.
"Kuya Zeus, baka marinig ka ni Amaris, hindi niya magugustuhan na sinisisi mo yung sarili mo sa pagkawala nina tito Harry at tita Jen" ani ng babae, alam kong si Luan yun.
"Tama si Luan, Aero. Hindi mo dapat sisihin yung sarili mo sa pagkawala nila tito at tita. Wala kang kasalanan, bro." Sabi naman ni Paul.
Iminulat ko na ang mga mata ko saka umupo ng maayos sa sofa.
Naagaw ko ang pansin nilang tatlo, agad namang lumapit si Luan sa pwesto ko.
"How are you, Amaris?" Tanong sa akin ni Luan.
"I'm good" simpleng sagot ko. "How are you, kuya Aero? Gusto mo na bang maghapunan?" Baling ko kay kuya Aero.
"Hindi naman ako makatatanggi sa pagkain. Masakit konti yung tagiliran ko kung saan ako tinamaan ng bala." Sagot ni kuya Aero.
Naiinis talaga ako kapag nasasaktan pa din si kuya Aero sa tinamo niya. Bawat pag-inda ni kuya Aero na maririnig ko, ganoon din ang ipapalit kong sakit sa mga gumawa nito sa kanya at kanila mom at dad.
"Polaris, pakitanong sa nurse station kung pwede nang kumuha ng pagkain para sa patient." Pakisuyo ko kay Paul.
"U-uhm, sige, my moon" sagot niya at tuluyan ng lumabas ng kwarto.
"Ikaw, Luan, kumain ka na ba?" Tanong ko kay Luan.
"Yeah, actually, nagdala kami ng food para sa inyo. Kain ka na din, sabayan mo na si kuya Zeus" sagot ni Luan.
BINABASA MO ANG
CHANDRA
Historia CortaStart: February 2021 End: July 2022 The Story of a Selenophile Sa likod ng kanyang mabuting pagkatao ay may natatagong galit na lumalabas sa tuwing nasasaktan ang malalapit sa kanya.