PAUL ARIES' POV
Wala kaming trabaho ni Aero ngayon kaya naman ay napagdesisyunan kong bumisita sa kanila at para kamustahin na din si Amaris. Baka gising na yun magla-lunch na din kasi.
Nag-usap pa kami kagabi through call, she enjoyed their swimming yesterday. Kahit pagod siya nagagawa niya pa ding mag-kwento sa akin. She always updates me on what is happening to her every day.
"Pat, won't you come with me?" Tanong ko sa kapatid kong si Patrick.
"Saan kuya?" He asked.
"Kanila Amaris, I will visit her." Sagot ko sa kanya.
"Wala naman doon si Luan eh, ikaw na lang kuya" sabi niya sa akin saka siya bumalik sa panonood ng TV.
"Oh sige, bye, uwi rin ako mamaya" paalam ko at tuluyan nang umalis ng bahay.
"Good morning, sir Paul." Bati sa akin ng guard nila Aero nang makarating ako sa kanila.
"Good morning din, kuya Alberto." Bati ko pabalik. Binuksan niya naman ang gate ng garahe para maipasok ko yung motor ko.
Nang mai-park ko ng maayos yung kotse ko ay kumatok na ako sa pintuan nila.
"Good morning po, nandyan po ba sila Amaris?" I asked ate Cheska.
"Hindi pa po bumababa si Amaris, pero nandito sa sala si kuya Aero. Tuloy ka po." Paanyaya niya sa akin kaya naman ay pumasok na din ako.
"Bro, what's up?" Bungad na bati sa akin ni Aero.
"Just visiting you" masayang sabi ko na nakapag-patawa sa kanya. "Why are you laughing, bro? Don't you believe me?" Pabirong tanong ko sa kanya.
"Just tell me you're going to visit Amaris." Pang-aasar niya at ngingisi-ngisi pa.
"Fine, I admit it." Pag-amin ko habang pinipigilan ang ngiti ko.
"You arrived just in time, go to her room and wake up your soon-to-be-wife." Pang-aasar pa din niya habang tinatapik ng balikat ko. "Ayaw pa niya magpa-gising kanina, hindi pa yun nagbe-breakfast. Sige na, bro, umakyat ka na doon. May bebe time pa ako." Dagdag pa niya bago niya itulak paakyat sa hagdan.
Napailing na lang ako sa ginagawa ni Aero. Ang hirap siguro ng long-distance relationship. Buti kinakaya nila Aero at Alexandra. They trust each other enough so that they don't lose their relationship.

BINABASA MO ANG
CHANDRA
ContoStart: February 2021 End: July 2022 The Story of a Selenophile Sa likod ng kanyang mabuting pagkatao ay may natatagong galit na lumalabas sa tuwing nasasaktan ang malalapit sa kanya.