AMARIS CHANDRA'S POV
Maaga akong nagising dahil maaga din kaming pupunta ng school. Kasama din namin sila ate Yvaine at kuya Melvin.
Nag jeans lang ako at sleeveless na top, dahil masakit pa din ang braso ko dahil sa tama ng baril, buti na lang at marunong si ate Nina na magpalit ng gasa.
Umupo pa ako saglit sa sofa ko habang inaayos ang dadalhin kong bag. Nilagay ko na ang wallet at phone ko sa bag.
Sumandal muna ako sa upuan at nag-isip-isip muna.
Masyado ng delikado ang buhay namin ngayon at hindi ako natutuwa sa mga nagtatangka sa buhay namin.
Tumayo muna ako para ilock ang pinto ng kwarto ko bago pumunta sa gilid ng sofa ko. Hinugot ko ang drawer sa gilid at kinuha ang box kung saan nakalagay ang bala at baril ko.
Agad kong kinuha ang baril at nilagyan ito ng bala bago ko ito inilagay sa bag ko, nagdala din ako ng extrang bala.
*knock* *knock* *knock*
Nagulat ako sa tatlong katok sa pintuan ko. Agad kong ibinalik yung box sa drawer ng sofa.
"Bunso, nandyan na sila Paul, Luan, at Patrick. Aalis na din tayo, ayos ka lang ba dyan?" Si ate Yvaine lang pala.
"Opo ate, palabas na po, inayos ko lang po yung gamit ko." Pagkasabi ko nun ay binuksan ko na ang pintuan ng kwarto ko.
Bumungad agad sa akin si ate Yvaine at nakangiti sa akin.
"Good morning bunso. Doon na daw tayo magbreakfast sa Munch Cafe."
"Good morning din ate Yvaine. Tara na?"
Humawak ako sa braso niya at sabay na kaming bumaba. Naabutan ko din sila mom at dad na nag-aayos na para sa pagpasok sa company.
Sabay-sabay na kaming nagsi-alis sa bahay, kay Paul Aries ako sumabay, si Luan naman ay kay Patrick sumabay, si ate Yvaine naman ay nakamotor, si kuya Aero ay dala ang kotse niya at pupunta sa company at sakay naman ng van sila mom at dad.
Pinauna na muna namin sila mom, dad, at kuya Aero bago kami nagsi-alis. Hinubad ko ang bag ko at inilagay sa likod ng kotse ni Paul.
"Good morning, love" bati ko sa kanya habang nagmamaneho siya.
"Good morning din love, anong gusto mong breakfast?" Tanong sa akin ni Paul.
"Rice, ham and bacon, tapos cappuccino. Yun lang, love" sagot ko.
"Tulog ka muna, gisingin na lang kita pag nandoon na tayo sa munch cafe." Sabi niya sa akin.
BINABASA MO ANG
CHANDRA
Short StoryStart: February 2021 End: July 2022 The Story of a Selenophile Sa likod ng kanyang mabuting pagkatao ay may natatagong galit na lumalabas sa tuwing nasasaktan ang malalapit sa kanya.