CHAPTER 12

7 1 0
                                    

Papikit pikit pa akong bumangon sa aking kama, nagising ako sa ingay ng alarm ko. 3 AM na magrereview na ako.

Binuksan ko na muna ang ilaw dito sa kwarto. Nag-inat na muna ako at tumalon ng tatlong beses para magising ako ng kaunti.

Lumabas ako ng kwarto ko na bitbit ang phone ko pang flashlight. Pinapatay na kasi nila ang ilaw sa buong bahay pag matutulog na. Binuksan ko na muna ang mga ilaw dito sa hallway ng second floor.

Bumaba na ako sa kusina at binuksan ang ilaw dito. Pinatay ko na ang flashlight ng phone ko. Kumuha ako ng tasa at nagtimpla na ako ng kape ko. Mamaya na ako kakain ng kanin pag breakfast na.

Pagkatapos kong magtimpla ng kape ay umakyat na ulit ako ng kwarto ko. Nilapag ko ang kape sa study table ko at kinuha ko na ang reviewer sa bag ko.

Umupo na ako sa tapat ng study table at nag-umpisang mag review. Nagpapatugtog din ako ng mga kanta na kalmado.

Hanggang 5:30 AM lang ako magrereview, dahil kailangan ko ng mag-ayos ng sarili ko sa ganoong oras. Mabilis ko namang naubos ang kape ko, pero nakakaramdam pa din ako ng antok.

Every 30 minutes na dadaan ay ibang subject naman ang rereviewhin ko, pero kung hindi ko pa tapos reviewhin ang isang subject tinatapos ko na muna ito bago ako magreview ng iba pa.

Lumipas pa ang oras, nirereview ko na ang huling subject at malapit na akong matapos. Nang matapos na ako ay niligpit ko na ang gamit ko at nag-inat ulit.

Time check, 5:20 AM, maaga pala akong natapos. Binuksan ko muna ang messenger ko at tinignan ko kung may nagchat ba. Meron nga si Polaris. Pasundo na lang kaya ako mamaya para makaidlip ako hahaha kulang tulog ei.

🌟Polaris🌟
Active Now

Polaris: Good Morning, my moon. How's your sleep?

Me: Good morning din, Polaris. Pwede bang magpasundo? Kulang kasi tulog ko ei, gusto ko sanang umidlip sa byahe.

Polaris: Sure, my moon. Pupunta ako dyan before 6 AM. Kumain ka na ng breakfast. Mag-aasikaso na din ako.

Me: Thank you, Polaris. Mag-aasikaso na din ako before mag-breakfast. Bye. See you later, Polaris.

Polaris: See you later din, my moon. Bye.

Binaba ko na ang phone ko at naghanda na akong damit ko na susuotin. Maaga naman ang uwian namin mamaya, baka mag-aya din si Luan.

Pinili ko na lang ang Tshirt ko na plain white at malaki sa akin kaunti. Pinartneran ko naman ito ng jeans at isusuot ko naman ang korean shoes na binigay ni Aster Roi na kulay light pink. Nang naihanda ko na ang mga gagamitin ko ay pumasok na ako sa banyo at naligo na.

Matapos kong gawin ang daily routine ko ay bumaba sa ako sa dining kung saan naririnig ko na ang pamilya ko na nagtatawanan.

Ang sarap sa pakiramdam na tuwing umaga ay ganoon ang naririnig ko. Nang nakarating ako sa dining nandoon na din pala si Paul.

Binaba ko muna ang gamit ko sa sala. Ramdam ko man na babagsak ang talukap ng mga mata ko dahil sa antok ay napapangiti na lang ako.

"Good morning sweety." Bati sa akin ni dad, kaya lumingon naman sila mom, kuya, ate, at Paul sa akin, at binati din nila ako.

CHANDRATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon