Start: February 2021
End: July 2022
The Story of a Selenophile
Sa likod ng kanyang mabuting pagkatao ay may natatagong galit na lumalabas sa tuwing nasasaktan ang malalapit sa kanya.
Two weeks ago, simula nung masiguro kong si Luigi Cruz na tatay ni Arthur ang kasabwat ni tita Loisa.
Hindi pa kami gumagawa ng hakbang dahil hindi na rin nila kami masyadong ginugulo at nagfocus muna kami sa exam namin last week.
Tuesday ngayon at nandito kami sa cafeteria ng Galaxium University. Kasalukuyang kasama namin sila Leslie at Margareth pero wala ang kuya Arthur nila dahil pinatawag ito ni Ms. Athena.
Birthday ngayon ni Leslie at bukas ang kay Margareth kaya iti-treat ko sila ngayon. Umorder na kami ng makakain namin bago kami dumiretso sa bakanteng table.
"Mgaateat mga kuya, puntakayobukassabahaynititaAthenaha, doonnakayomagdinner, selebrasyon na dinpoyunngbirthdaynamingdalawaniLeslie." Pag-iimbita sa amin ni Margareth.
"Aww, sorrymgabebe, hindikamipwedebukasnikuyaPatrickniyoeh, maydatekamihihi" sabi ni Luan habang kinikilig.
"Hindidinakopwedebukas, sorry, maybesilaateYvaine, ateAmaris, atyungkuyaAeronalangnilaangpupuntabukas. Happybirthday" bati ni kuya Melvin sa dalawa.
"It'sokaypo." Masayang sabi ng magkapatid.
Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain ng dumating si Arthur na may bitbit ng pagkain niya.
Tinitigan ko siya habang kumakain siya. Wala na siyang mga pasa. Natigilan lang ako nung tumikhim si ate Yvaine.
Tinaasan niya ako ng kilay at parang nagtatanong na bakit ko tinitigan si Arthur. At dahil dun ay umiling na lang ako at nagpatuloy ako sa pagkain. Nang matapos kaming lahat ay umalis na kami sa cafeteria.
Nasa unahan namin ang magkakapatid na Cruz. Pinicturan naman ni ate Yvaine yung tatlo at agad na nagpipindot sa phone niya. Nang matapos siya sa pagpipindot ay pinakita niya sa akin kung ano iyon. Nadamay pa sa picture ang ibang estudyante na nakakasabay nung magkakapatid.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Nang mabasa ko ang message ni ate Yvaine kay Luigi Cruz ay napangisi na lang ako. Hindi din nagtagal ay humiwalay na sa amin sila ate Yvaine at kuya Melvin. Hinatid kami ni Patrick sa room namin ni Luan.