CHAPTER 67

3 0 0
                                    

AERO ZEUS' POV

Katatapos lang ng meeting namin dito sa Aquila conference room, I'm with tito Hanz. Tinutulungan niya akong ihandle ang company na naiwan sa akin.

Wala akong masyadong alam dito dahil Architecture ang tinapos ko. Pero sana may matutunan ako kahit kaunti.

"Zeus, mauuna na ako." Paalam ni tito Hanz.

"Sige po tito, ingat ka po sa pag-uwi" sabi ko sa kanya.

"Dadaanan ko na din si tita Vixcienne mo sa HR hotel, may tinuro kasi siya kay Yvaine doon" dagdag ni tito Hanz

"Ah, tito Hanz, pakisabi po kay Yvaine na pumunta po dito."

"Sige, hijo"

Tuluyan na nga akong iniwan ni tito Hanz dito sa office room ko. Sabi ng iba ay ito raw ang office room ni mom.

Nai-imagine ko kung paano nagtatrabaho dito si mom. She was a successful woman, before she met dad.

Parehas silang dalawa na naging successful.

Hindi na ako magtataka kung sila ng nangunguna sa business industry ngayon.

Hi mom, I know you are watching me right now. Pangangalagaan ko itong kompanya mo mom. Kamusta po kayo diyan ni dad?

I just want to say sorry again. Sorry kung hindi ko kayo naprotektahan. Sorry kung hindi ko naging malakas. I'm so sorry, mom and dad.

But I promise, poprotektahan ko sina Yvaine at Amaris. Hindi ko hahayaang malagay sila sa kapahamakan, kahit pa buhay ko ang kapalit. Mahuhuli din po namin ang mga pumatay sa inyo.

We miss you both.

"Sir, nandito na po si Ms. Yvaine." Saad ng secretary ko.

"Sige, papasukin mo na siya. Thank you" utos ko.

Ilang saglit pa ay pumasok na si Yvaine, iniwan naman kami ng secretary ko.

"Bakit mo ako pinatawag, kuya Aero?" Tanong ni Yvaine.

"I just want to ask you something." Sagot ko, bigla ko kasing naisip si Amaris. Tinaasan niya ako ng kilay na parang nagtatanong kung ano iyon. "Tumatawag ka ba sa bahay, kamusta si Amaris pag wala tayo doon?"

CHANDRATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon