CHAPTER 51

2 0 0
                                    

AMARIS CHANDRA'S POV

The day passed quickly. April 13, 2022. Anniversary ng friendship namin ni Luan. Ito rin yung araw na magsi-swimming kaming magka-kaklase sa Bato Spring sa may San Pablo, Laguna.

Kahapon pa ako nakapag-prepare ng mga dadalhin ko for swimming. Dumaan din ako sa mall kahapon para bumili ng pang regalo ko kay Luan at ilang junk foods at drinks namin.

Ang usapan namin ni Luan ay ang kotse niya ang dadalhin namin. Dadaanan niya na lang daw ako dito. 5:30 AM na at ang call time naming magkaklase ay ala sais ng umaga, kaya naman ay tinawagan ko na si Luan.

[Hello, Luan, saan ka na?] Tanong ko sa kanya nung sinagot niya ang tawag ko.

[I'm on my way, Amaris, may dala akong food, niluto ni mom, para daw sa ating tatlo ni Arthur.] Sagot niya sa akin, narinig ko naman ang pagbusina niya. [Sige na bab, malapit na ako.]

[Okay, magpa-paalam na din ako kanila mom at dad. Bye] paalam ko bago ko tuluyang pinutol ang tawag.

Binuhat ko na ang backpack ko na may lamang damit at ilang personal things ko pa bago tuluyang lumabas ng kwarto ko. Dumiretso muna ako sa kwarto nila mom at dad para magpaalam.

*knock* *knock* *knock*

"Come in" tinig ni mom. Pinihit ko ang door knob at tuluyang binuksan ang pintuan nila bago ako tuluyang pumasok. "Yes, sweetheart?"

"Mom, dad, aalis na po ako, parating na po si Luan." Paalam ko.

"Oh, ingat kayo doon ha, enjoy!" Paalala ni mom.

Lalabas na sana ako ng kwarto nila nung tinawag ako ni dad. Kaya lumingon ulit ako sa kanila. Lumapit naman si dad sa akin.

"Take this, sweety, idagdag mo sa baon niyo ni Luan." Sabi niya sabay abot ng pera. "Mag-iingat kayo doon" dagdag niya pa at hinalikan ang noo ko.

"Opo dad, thank you po" pasasalamat ko. Narinig ko namang may bumusina na kotse, si Luan na ata yun.

"Sige na, nandyan na si Luan. Bye" sabi ni dad.

Lumabas na ako ng kwarto nila at dumiretso na sa baba, dahil si Luan na nga ang bumusina. Dumiretso muna ako ng kusina para kunin ang baon namin bago tuluyang lumabas ng bahay.

CHANDRATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon