Good afternoon!!!
Kasalukuyan na akong nag-aasikaso para sa practice namin mamaya.
Maaga akong nagising kanina kaya naman nagprisenta na ako kay nanay Meg na ako na ang magluluto ng breakfast.
I just cooked ham, egg, and bacon, nagtoast din ako ng bread at nagsangag na din ako ng kanin. Saktong natapos ako kaninang magluto ay nagsibaba na sila mom at dad, pati na din sila at kuya at sabay-sabay na kaming kumain.
Napagdesisyunan ko na pumuta na lang muna ng mall, dahil mamaya pa naman ang training namin.
Nagsuot lang ako ng Beige color na cargo pants at White na fitted croptop at nagsuot lang ako ng boots. Bumaba na ako para magpaalam kanila nanay Meg. Pumasok na kasi sila mom at dad, sinama nila sila ate at kuya.
"Nanay Meg, aalis po muna ako, babalik din po ako agad" pagpapaalam ko.
"Saan ka paroroon 'nak?" Tanong nito sa akin.
"Sa Mall lang po 'nay, aalis na po ako."
"Sige 'nak, mag-ingat sa pagmamaneho."
"Opo. Bye po"
Lumabas na ako ng bahay at sumakay na sa motor ko. Binuksan ni ate Cheska ang gate at nginitian ko na lang siya bilang pasasalamat.
Nagmaneho lang ako ng payapa hanggang sa makarating ako sa mall.
Hindi ko din naman alam ang gagawin ko dito hahaha. Hindi naman kasi ako mahilig magshopping ei. Dumiretso na lang ako sa Starbucks.
"Good afternoon po ma'am. What is your order po?" Tanong sa akin ng staff ng Starbucks.
"Tall na Chocolate Chip Cream Frappuccino and Strawberry and Almond Cake po." Order ko.
"Name po ma'am?"
"Chandra" pagkasabi ko ng name ko ay agad niya na itong sinulat.
"420 po lahat Ms. Chandra." Agad kong inabot sa kanya ang bayad ko. "I received 500 pesos, Ms." Inabot niya na din sa akin ang sukli.
Umupo na muna ako habang nag-aantay ng order ko. Inopen ko muna ang facebook ko at nagscroll, chineck ko din kung may chat na ulit sila Paul pero wala pa din. Baka busy sila.
Ilang minuto pa akong nag-antay hanggang sa tinawag na ako.
"Chocolate Chip Cream Frappuccino and Strawberry and Almond Cake for Ms. Chandra." Agad akong lumapit para kunin ang order ko at bumalik na ako sa lamesa ko.
Tahimik lang akong kumakain ng cake habang nagcecellphone. Nang maubos ko ang cake ko ay ininom ko na din ang drinks ko. Bigla naman nagring ang cellphone ko kaya agad kong sinagot ang tawag.
[Bunso, nasaan ka?] Si ate Yvaine pala.

BINABASA MO ANG
CHANDRA
Kısa HikayeStart: February 2021 End: July 2022 The Story of a Selenophile Sa likod ng kanyang mabuting pagkatao ay may natatagong galit na lumalabas sa tuwing nasasaktan ang malalapit sa kanya.