CHAPTER 9

21 2 0
                                    


AMARIS CHANDRA'S POV

Alas tres na ng hapon ng magising ako. Hindi pala kami nakapagpalit nila ate Alex, ate Yvaine, at Luan ng damit. Pare-pareho kaming mga naka-bathrobe.

Hinubad ko na ang bathrobe ko at sinuot ang see through cover-up dress ko. Tulog pa din ang mga kasama ko dito sa kwarto. Nakakapagod kasing lumangoy ei.

Nagugutom na ako gusto ko ng magmeryenda, saan ba kasi nilagay nila Paul at kuya Aero ang mga pagkain? Punta na lang ako sa room nila baka nandoon.

"Kuya Aero?" Tawag ko kay kuya Aero habang kinakatok ang pinto nila. Ilang beses kong tinawag si kuya Aero pero hindi talaga siya sumasagot. Paalis na sana ako ng bumukas ang pinto nila.

"Amaris, ikaw pala, anong problema?" Si Paul ang nagbukas ng pinto, naka-bathrobe lang din siya.

"Tulog pa din sila Kuya?" Tanong ko sa kanya, binuksan niya ng maluwag ang pinto at nakita ko ngang tulog na tulog pa ang kuya ko.

"May gusto ka ba? Ano iyon?" Tanong niya sa akin at saka ngumiti, halata pa sa mga mata niya ang antok, kawawa naman Polaris ko.

"Hinahanap ko kasi kung nasaan ang mga pagkain, nagugutom na kasi ako." Sabi ko sa kanya.

"Nandoon sa kwarto nila Nanay Meg, itatransfer na lang natin mamaya sa kwarto niyo..." Lumabas naman siya at sinara ang pinto ng kwarto nila.

"Tara sasamahan na kita doon. Nandoon din sa mini ref nila yung chuckie, pati yung chocolates na dinala ni Nanay Meg para sa'yo dahil mabilis ka daw maubusan ng energy. Pampa-hyper mo daw iyon ei." Dugtong niya pa.

Nasa tapat na kami ng kwarto nila Nanay Meg, kakatok na sana ako pero bumukas na ito. Bumungad sa amin si Nanay Meg na nakangiti.

"Gutom na ba kayo 'nak? Nasaan ang iba gumawa ako ng sandwich at juice? dadalhan ko na din sana ang mommy at daddy niyo." Nakangiting saad niya sa amin ni Paul.

"Tulog pa po yung iba 'nay, nakapagpahinga na po ba kayo? Nag-enjoy po ba kayo?" Tanong ko naman kay Nanay Meg. Uuwi na sila mamaya nila mom and dad, siyam na lang kaming matitira dito.

"Oo 'nak, nag-enjoy kami ng sobra, huli na nga kaming umahon ei, nakapagpahinga na din naman ako. Kumain muna kayo ni Paul dito. Si Cheska at Nina, ay pumunta saglit sa dalampasigan at nagpipicture na, si Lito naman ay nasa Van na, nag-aayos na doon, mamayang 4:30 PM na kami uuwi." Tinignan ko naman ang oras 3:20 PM na.

Wala na din ata silang pagkain sa van nila. Nilagyan kami ni nanay Meg ng Sandwich sa paper plate at juice sa plastic cup.

"Kumain na po ba kayo ulit 'nay?" Tanong ko kay Nanay Meg habang si Paul naman ay kumakain na ng sandwich niya.

"Oo 'nak, katatapos lang namin, kumain na ulit kami kasama ng mom at dad mo. Dito na muna kayo dadalhan ko muna ang mommy at daddy mo ng meryenda." Paalam niya sa amin. Kinain ko na din ang sandwich ko. Yung tubig ko pala nasa mini ref ng kwarto namin.

CHANDRATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon