March 27, 2022
AERO ZEUS' POVGood morning!
Ang bilis ng araw, last week lang kami nagpaplano kung anong gagawin ngayong kaarawan ko. Happy twenty-fifth birthday to you self!
Kasalukuyan kong inaayos ang buhok dahil katatapos ko lang maligo at nagbihis na ako para sumama ulit sa company.
*knock* *knock* *knock*
"Pasok!" Sigaw ko.
Unti-unting bumukas ang pintuan at pumasok ang dalawa kong prinsesa.
"Happy birthday kuya!" Sabay na bati nila Yvaine at Chandra.
"Thank you" pasasalamat ko.
"Tara na kuya, breakfast na" masayang sabi ni Amaris Chandra.
Lumabas na kami ng kwarto ko at bumaba na kami sa dining, nakaupo na sina mom at dad sa upuan nila.
"Happy birthday, son" sabay na bati nila mom at dad nang makaupo ako sa upuan ko.
"Thank you mom at dad" pasasalamat ko sa kanila.
"Let's eat" sabi ni dad. Pagkasabi nun ni dad ay nag-umpisa na kaming kumain.
Sinabi ko na din kanila nanay Meg ang mga lulutuin para mamayang dinner. Sapat na siguro ang tatlong ulam para sa amin at para sa mga bisita.
Sila Yvaine at Chandra na ang bahalang bumili ng softdrinks mamaya, wala kaming stocks eh.
"Amaris, Yvaine, papasok na kami ng dad at kuya niyo sa company, ingat kayo mamaya sa pagpasok niyo." Paalam ni mom sa dalawa.
"Ingat din po kayo" paalala ni Chandra.
----------
Nang makarating kami sa company ay dumiretso sila mom at dad sa conference room dahil may meeting daw sila. Naiwan naman ako dito sa office nila kaya naman ay chinat ko muna ang girlfriend ko.
Alexandra Santos
Active NowMe: Good morning, mahal.
AS: Good morning din, mahal. Happy birthday.
Me: Thank you. Where are you?
AS: Nasa bahay pa po, papasok pa lang. How's tita and tito?
Me: Ayos naman sila, mahal. Lagi ko silang sinasamahan kahit may mga bodyguards.
AS: That's good, para hindi na din kayo masyadong mag-alala. Ano na palang balita?
Me: Wala na kaming natatanggap na death threats simula nung nakaharap namin yung nagpapadala nun. Wala na ding nagtatangka sa buhay ni Amaris Chandra.
AS: That's a good news.
Me: Sana nga ay hindi na maulit pa.
AS: Huwag mo ng isipin iyon. Birthday mo pa naman ngayon. Cheer up, my archi. Smile ka lang palagi. I love you.
Me: Opo, mahal. Oh sige na, mamaya na lang ulit. May client na nagtext sa phone ko. I love you, ingat ka palagi diyan. See you soon. Bye.
AS: Opo, papasok na din ako. Bye.
Tinignan ko ang message ni tita Marie. Nirecommend niya ako sa kaibigan niya na magpapagawa ng bahay.

BINABASA MO ANG
CHANDRA
Short StoryStart: February 2021 End: July 2022 The Story of a Selenophile Sa likod ng kanyang mabuting pagkatao ay may natatagong galit na lumalabas sa tuwing nasasaktan ang malalapit sa kanya.