CHAPTER 71

15 0 0
                                    

After 1 year...

AMARIS CHANDRA'S POV

"Let's welcome again the Summa Cum Laude from the Bachelor of Science in Business Administration Major in Business Economics to give her speech, Amaris Chandra Ruiz" pagtawag ulit sa akin ni Ms. Athena Cruz.

"Go bab! Best friend ko yan!" Sigaw ni Luan, kaya sinenyasan ko siya na manahimik.

"Congrats, Amaris!" Sabi ni Arthur habang nakangiti sa akin.

Isang taon na din pala ang nakalipas, ang bilis ng panahon, parang kailan lang nung nawala sa amin sina mom at dad.

Nagtapos ako na wala sila sa tabi ko, pero alam kong masaya sila ngayon sa narating ko.

Sila ate Yvaine at kuya Aero pala ang nagsabit ng mga medalya ko kanina, at parehas silang proud sa akin.

"Thank you Ms. Cruz... Good afternoon to our beloved parents, professors, and especially to my fellow students. First, I just want to thank God for this blessing, wala ako dito ngayon kung hindi dahil sa Kanya. Second, thank you po sa lahat ng professors na nandito ngayon, salamat sa lahat ng pagtuturo sa amin ng mga kailangan naming matutunan, thank you for motivating us, and thank you for being our second parents. And for all our parents, thank you for all the sacrifices, support, and trust that you'll given to us. Hindi ako makapaniwala na tatayo ako dito sa harap niyo bilang Summa Cum Laude ng batch natin..."

Natawa ako sa sarili ko at nanumbalik lahat ng mga nangyari noong nakaraang taon, naramdaman kong patulo na ang mga luha ko kaya tumingala muna ako saglit.

Then I continue...

"Last year, excited akong tumuntong ng 4th year college, kasi sabi ko sa sarili ko " Yes! Makakapagtapos na din ako tulad nila ate at kuya" . Last year, excited ako kasi sila mom and dad din ang magsasabit sa akin ng medal ko. But last year din, nawala na sila mom and dad, nasa heaven na sila ngayon..."

CHANDRATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon