LUAN VEGA'S POV
Namiss niyo ako? Hahaha sabi ko nga hindi.
Sa tagal ng pagkakaibigan namin ni Amaris, alam kong may inililihim siya sa akin. Napapansin ko ang hindi niya pag-imik kapag kasama namin si Arthur.
Alam kong ayos na kaming tatlo, halos kinalimutan na nga namin ang mga nangyaring gulo noong una naming makilala si Arthur. Hindi naman pala talaga siya masama. Ang sabi niya ay nadala lang daw siya ng init ng ulo niya.
Sasabihin niya naman sa akin yung tinatago niya kapag handa na siya. Alam kong hindi siya magsisikreto sa akin ng matagal.
"Vega, are you okay, 'nak?" Mom asked me, naramdaman ko din ang pagtapik niya sa braso ko. Kasalukuyan kasi kaming nagbe-breakfast.
"I'm okay, mom. May iniisip lang" sagot ko.
"Don't pressure yourself sa mga studies mo, Vega. Hindi namin kayo pinipressure ng kapatid mong si Aster." Paalala ni dad. "Ayokong matulad sa ibang tatay na nawalan ng anak dahil napi-pressure sila ng magulang nila." Dagdag pa ni dad.
"Don't worry dad, hindi ko naman pinipressure ang sarili ko." Sagot ko. "Ikaw ba, Aster, napi-pressure ka ba?" Baling na tanong ko sa kapatid ko.
"Hindi nga po ate eh, sobrang nag-eenjoy nga ako sa school ko." Sagot sa akin ni Aster.
"Mabuti naman ay hindi kayo napi-pressure. Enjoy lang kayo sa pag-aaral." Saad ni mom.
Tinapos na namin ang pagkain namin, nagpaalam na si Aster na papasok na siya. Umakyat na din ako para makapaghanda sa pagpasok sa school.
Sabi ni Patrick ay susunduin niya ako at magla-lunch na lang kami sa Munch Cafe bago pumasok sa school.
Nakakamiss pumunta sa school na palagi kong kasabay si Amaris sa pagpasok sa school. Ngayon kasi tuwing uwian na lang kami nagkakasabay sa pag-uwi.
Dati, wala lang sa kanya yung mga palabas na barilan, ngayon siya na mismo ang humahawak ng baril. Natatakot pa din ako sa panaginip ko noon. At hindi ko maiwasang mag-alala sa kanya at sa pamilya niya.
Hindi pa rin nawala sa isip ko nung araw na natamaan siya ng bala sa braso niya. Grabe ang pag-aalala na naramdaman ko noon para sa kanya, halos hindi din ako nakatulog ng gabing iyon dahil sa kakaiyak.
I looked at the photos of us hanging in my fairy lights.
Malapit na birthday niya, She's turning twenty-two years old. Habang tumatanda kami, ang daming nangyayari.
I'm scared.
I was scared of losing my bestfriend.
Hindi lang naman ako 'di ba? Kahit sino naman siguro takot mawalan 'di ba?
BINABASA MO ANG
CHANDRA
Historia CortaStart: February 2021 End: July 2022 The Story of a Selenophile Sa likod ng kanyang mabuting pagkatao ay may natatagong galit na lumalabas sa tuwing nasasaktan ang malalapit sa kanya.