CHAPTER 53

2 0 0
                                    

AMARIS CHANDRA'S POV

Nagpapahinga na kami matapos namin mag gun firing, maaga kaming pumunta dito kanina at ngayon ay mag aalas tres na ng hapon.

Napapansin ko na parang ang lalim ng iniisip ni Paul, nagulat pa siya ng bahagya nang tumunog ang phone niya, may nag-message.

"Papunta na daw sila Patrick at Luan sa Taekwondo nila." Sabi ni Paul.

"Punta na tayo doon, gusto ko makipag sparring sa kanilang dalawa." Masiglang sabi ko.

"Seryoso ka dyan bunso?" Tanong ni ate Yvaine.

"Opo ate, gusto ko lang ulit makipag sparring, nakakamiss din"

"Ikaw ang bahala" kibit-balikat na sagot ni ate.

Hindi nga pala namin kasama sila kuya Melvin at kuya Aero ngayon. Si kuya Melvin ay nasa company nila habang si kuya Aero naman ay may kliyente.

Nabanggit ko ba na Summa Cum Laude si ate Yvaine at Magna Cum Laude naman si kuya Melvin? Kung hindi pa, ayan sinabi ko na HAHAHA.

~_~

Sa April 17 na ang graduation nila, ibig sabihin, sasagutin na din ni ate Yvaine si kuya Melvin.

Ang swerte nila sa isa't isa.

Ilang sandali pa ay nakarating na kami dito sa Dojang, agad akong nagbihis ng pang-ensayo habang nag aantay kanila Luan at Patrick.

(Dojang- a formal training hall)

Nang matapos akong magbihis ay nag ensayo muna ako kasama si master Manny.

Matagal-tagal na din simula nung hindi ako nakakapag-taekwondo, naging busy kasi sa school, at sa mga nangyari sa akin at sa pamilya ko.

Ilang minuto pa ay dumating na din sina Patrick at Luan kaya naman ay nagpahinga muna ako saglit habang yung dalawa ay nagbibihis.

Lumapit ako kay Paul kasi tulala na naman siya.

"Hey Polaris, you okay?" Tanong ko.

"U-uhm, yeah, I'm okay" sagot niya.

"Are we okay?" Seryosong tanong ko.

Tinignan niya ako ng diretso sa mata. "W-what do you mean, my moon?"

"Wala Polaris, okay naman tayo ei" sabi ko at binigyan siya ng isang pekeng ngiti.

May mali, alam kong may mali.

Ayos lang naman kaming dalawa kahapon hanggang sa maihatid niya ako sa bahay. Every morning nakasanayan ko ng may text or chat na siya sa akin tapos kanina wala akong natanggap, pero binalewala ko na lang kasi sabi ko baka busy.

Magsasalita pa sana si Paul nang lumabas na sila Patrick at Luan mula sa locker room, nakabihis na sila at pumuwesto na sila kaya naman ay pumunta na din ako sa pwesto nila.

CHANDRATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon