CHAPTER 21

12 0 0
                                    

Isang oras kaming bumyahe mula sa amin sa Alabang hanggang Luneta Park. 30-40 minutes lang sana ang byahe kung hindi kami natraffic. It's already 4 PM na ng makarating kami dito sa Luneta Park.

Naghanap muna kami ng mapaparkingan na pwede na din naming maging pwesto habang pinapanood ang buwan. Nang makahanap kami ng pwesto ay bumaba na kami sa kotse. Hindi na muna namin inilatag ang pangsapin sa labas dahil mag-iikot na muna kami dito sa Luneta.

Nilock ni Paul ang kotse niya. Ang tanging bitbit lang namin ay ang DSLR cam niya at ang shoulder bag ko.

Habang iniikot namin ang Luneta ay may nadaanan kaming nagtitinda ng cotton candy kaya naman ay bumili kami ni Paul.

Sumakay din kami sa Train na umiikot sa luneta park para puntahan ang pwedeng pasyalan dito.

We take photos together habang nakasakay kami sa train at kumakain ng cotton candy.

Fast Forward...

5 PM na ng bumalik kami sa pwesto namin. Nagpaalam muna ako sa kanya na gagamit ako ng rest room para makapagpalit na ako ng damit dahil pawisan na ako. Kinuha ko sa backseat ng kotse niya ang pinamili namin. Sinamahan niya pa ako at nag-antay siya sa labas ng restroom.

Una ko na munang sinuot ang Cargo Trouser Pants ko. Tinanggal ko na ang dress ko, nilagay ko ito sa paper bag at sinuot ko naman ang Women Knit Tank Off Shoulder Crop Top Club Cropped ko. Tinanggal ko na din ang flat sandals ko at pinalitan ng ko ito nung High-heeled Martin Boots na binili namin.

Niligpit ko na ang mga ginamit ko at nilagay ko na lahat sa paper bag. Nang matapos ako ay lumabas na ako ng restroom. Paglabas ko ay lumapit na ako kay Paul. Kinuha niya sa kamay ko ang paper bag at bumalik na kami sa pwesto namin.

Inilabas na ni Paul ang pang-sapin namin at inilatag iyon sa tapat ng kotse. Marami na ding naglatag ng kanilang pangsapin dahil papalubog na ang araw at gustong makita iyon ng lahat.

Nilabas na din namin ni Paul yung pinamili namin at inilapag iyon sa sapin namin. Magpipicnic kami hahaha. Ilang beses akong kumuha ng litrato naming dalawa.

It will be a good memories for us. Kinuhan ko siya ng litrato habang nagpapalaman siya sa tinapay. Pagkatapos niyang gawin iyon ay ibigay niya iyon sa akin kaya binalik ko na muna sa kanya ang camera niya dahil kakain na ako.

"Ano Polaris...tititigan mo na lang ba ako? Hindi ako yung pagkain." Ngising sabi ko sa kanya. Tumawa lang siya at binuksan ulit ang camera niya at itinutok niya iyon sa akin.

Ngumiti naman ako para hindi magmukhang tanga sa picture hahaha. Ilang beses niya pa akong kinuhan ng picture pero hindi na ako nakatingin hahaha bahala na kung may mukhang tanga sa picture ko doon.

Nilapag niya na din ang camera at nag-umpisa na siyang kumain. Inabot niya sa akin ang isang chuckie na binuksan niya na para sa akin.

Ininom ko iyon agad at nang maubos ko na ay inabot ko naman ang C2 at iyon naman ang binuksan ko. Kinuha ko din ang Roadhouse BBQ flavor na Piattos.

Nag-umpisa na yung sunset kaya naman ay kinuha ko ang camera sa tabi ni Paul. Binuksan ko iyon at kinuhaan ko muna ng litrato si Paul na nagulat hahaha epic.

Tinapat ko na ang camera sa langit kung saan nag-sunset na. Saksi ang sunset na ito sa aming dalawa ni Paul. Hinatak ko si Paul palapit sa akin para makapagpicture kami. Sakto naman may dumaan na kuya kaya nagpapicture kaming dalawa habang sunset pa.

Nakaakbay siya sa akin sa picture habang ako ay nakahawak sa baywang niya hahaha oh 'di ba para kaming magjowa na. Soon pa, wait lang kayo hahaha.

Bumalik na kami sa pwesto namin. Umupo na agad si Paul pero ako ay dumiretso sa backseat para kunin ang gitara. Mamaya lang ay sisilay na ang buwan sa kalangitan.

CHANDRATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon