MAPUPUSOK na halik ang iginawad ko sa kaniya na sinuklian niya ng parehong intensidad. Nalulunod ako, nababaliw at tila nahulog sa kawalan. Unti-unti niyang pinagapang ang mga kamay sa baywang ko, mahigpit at mas nilalapit ako sa kaniya, tila ba hindi na ako hahayaan pang makawala.
Dinadala ako sa kamunduhan ng halik na iginagawad niya sa akin, mahigpit kong hinawakan ang leeg niya upang mas idiniin pa ang labi ko. Nababaliw na yata talaga. Sabay ang ritmo ng aming mga labi, naiintindihan ang isa't-isa. Pinupunan ang mga taong nasayang sa amin.
Lumipat ang labi niya sa pisngi ko kaya marahan akong nakasinghap ng hangin. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko, dahil sa kaba at pananabik sa kaniya.
"Savion," halos hindi ko makilala ang tinig dahil sa sobrang rahan nito. Dumaan ang labi niya sa tainga ko pababa sa leeg ko, muli akong suminghap dahil sa kiliti, napatingala at naipikit ang mga mata. Mabuti na lamang ay wala nang nilalang sa paligid dahil tuluyan nang nagwagi ang dilim.
Ngayon ko pa lamang naramdaman ito, at ito ang unang beses na may humalik sa parteng iyan ng katawan ko. Maging ang paraan ng halik na ito ay una kong nagawa sa kaniya. Siya lamang ang natatanging lalaking umangkin ng labi ko kaya hindi ko rin maisip kung paano ko siyang nahalikan sa mapusok na paraan noong nasa dalampasigan kami. Marahil ay nadala lamang ako sa galit.
Nang bumalik labi niya sa labi ko ay mas magaan na ang halik, marahan at puno ng emosyon. Naging dahilan iyon upang muli akong malunod. Mahal ko pa rin talaga siya. Wala akong ibang mamahalin kung hindi siya lang. Kung hindi siya ang para sa akin ay huwag na lamang. Kung baliw siya sa akin ay mas baliw ako sa kaniya!
Ngunit hindi ko ito ipapaalam sa kaniya ngayon. Masyado naman siyang sinuswerte kung malaman niyang baliw ako sa kaniya!
Pilit kong inahon ang sarili ko mula sa pagkakalunod nang mapagtanto ko kung gaano kahiya-hiya ang ginagawa ko ngayon. Nagpadala ako sa kamunduhan. Nakalimutan kong dapat ay galit ako!
Unti-unti kong idinilat ang mga mata at marahan akong bumitaw mula sa pagyakap sa leeg niya. Dinala ko ang kamay ko sa matipuno niyang dibdib. Kumuha ako ng tamang pagkakataon upang maitulak siya palayo sa akin.
Pareho kaming hiningal, mapungay na ang mga mata niyang puno ng pagsusumamo. Ibinaba ko ang tingin upang hindi makita iyon dahil baka magpatangay na naman ako sa kaniya.
Ibinalik ko ang natitira kong katinuan bago nagsalita.
"Hangal ka, hindi agad kita mapapatawad," mahina kong wika. "Paparusahan kita."
Kinuha niya ang kamay ko ay dinala ito sa labi niya kaya muli akong napatingin sa mga mata niya.
"Sige lang, mahal ko. Parusahan mo ako. Handa akong tanggapin ang parusa mo mapatawad mo lamang ako. Gagawin ko ang lahat para sa iyo," sobrang rahan ng tinig na tila ba naging musika ito sa aking pandinig.
Marupok talaga!
Mahinahon kong binawi ang kamay ko at umiwas ng tingin. "Umuwi ka na." Hindi ko matandaan kung kailan naging ganito kahinahon ang boses ko, babaeng-babae.
"Uuwi ako kapag nakauwi ka na, Ashtrea."
Tinanaw ko ang puno ng sopya. Malapit na rin naman ang aming tahanan kaya hindi na niya ako kailangan pang makitang umuwi.
"Umuwi ka na. Baka makita ka pa ni Ina," mas maayos na tinig.
Hindi ko alam kung nagbago ba ulit ang pananaw ni Ina tungkol sa pakikipagkaibigan ko sa kaniya ngunit ayaw ko pa rin na makita niya akong kasama ang prinsipe. Baka mamaya ay ayaw niya pa rin dito at pagbawalan lamang ako.
Narinig ko ang marahan niyang pagbuntong hininga, hindi na nagsalita pa at marahan lamang na tumango. Hindi ko na siya hinintay pang makaalis, naglakad na ako palayo at iniwan siya roon.
BINABASA MO ANG
Ashtrea (Exo Losairos Series #1)
FantasyAshtrea, the daughter of a renowned general in the kingdom of Peridos. She desires to follow her father's footstep to becoming a warrior. *** Ang babaeng nangangarap na sundan ang yapak ng kaniyang ama, ang maging heneral. Ngunit sa pag-abot niya sa...