"BAKIT ba kasi hindi ka na lamang maniwala sa akin?" galit kong wika. "Hindi ba ay lagi mong sinusunod ang mga sinasabi ko? Bakit hindi mo ako sundin ngayon?! Dapat ay sundin mo ako! Napakahangal mo!" Patuloy pa rin ang luha. Sa puntong ito ay hindi ko na alam kung bakit nga ba ako umiiyak.
Nasasaktan ako at nagagalit sa lahat. Hindi ko alam!
"Patawad. H-Hindi ko kaya.. hindi kita kayang kalimutan. Mahal kita," basag na basag ang tinig, ang mga mata'y basa na rin ng luha ngunit ayaw pakawalan. "M-Magpapakasal ka na ba talaga kay Karim kaya.." mariin siyang napalunok. "..kaya sinasabi mo ang lahat ng ito. Siya ba ang pinipili mo?"
Mas lalong umahon ang galit sa akin, tumindi ang bawat paghinga ko. Hindi pa rin talaga siya nakakahalata!
"Bakit naman ako magpapakasal sa hangal na iyon?!" mas galit. "Kahit siya pa ang natitirang nilalang sa buong mundo ay hindi ko siya pipiliin!"
Bahagyang nanlaki ang mata niya. Ang kanina'y tila nalulubog na sa kumunoy ay umahon, nagkaroon ng pag-asa. Ang kislap sa mga mata niyang kanina'y unti-unting naglalaho ay tila nabuhay. Ang nagbabadyang luha ay tuluyang naubos. Ibinuka niya ang bibig, akmang magsasalita ngunit tila naubusan ng sasabihin. Napalunok na lamang.
Mariin akong pumikit upang pakalmahin ang sarili. Ibinabalik ko ang lahat ng katinuang tumakas sa akin. Tuluyan na ngang itinapon ang mga bagay na hindi tungkol sa kaniyang pag-ibig para sa akin. Ngayon ay tanging sa aming dalawa na lang nakatuon ang buong atensyon, na tila kami na lamang talaga ang nasa mundong ito, na tila sa kaniya na lang iikot ang mundo ko.
Sa pagdilat ko ay tuluyan akong kumalma. Hinayaang ipakita sa kaniya ang lahat ng emosyong pilit kong itinago sa mga lumipas na araw, sakit, lungkot, takot, pag-aasa, pangungulila at saya. Isama pa ang luhang patuloy na pumapatak sa aking mga mata dahil sa matinding emosyon.
Totoong hangal siya kung hindi niya pa nakikita ngayon na mahal ko siya! Siya lamang!
"Hangal ka, Savion. At ikaw lamang ang hangal na kaya kong mahalin ng ganito," ngayon ay mahinahon na.
Suminghap siya.
"Ashtrea.." nahimigan ang pag-asa roon.
Marahan akong tumango. Tuluyang inilulubog ang sarili sa nararamdaman ko para sa kaniya. Kung malunod man ako sa lahat ng ito ay hindi ko na iaahon pa ang sarili ko. Kung sasaktan niya akong muli ay wala akong sisisihin kung hindi ang sarili ko. Kung hindi sasang-ayon sa amin ang mga nilalang sa aming paligid ay ipaglalaban ko siya kung nais niya rin akong ipaglaban. At kung ang tadhana ang magiging kalaban namin ay ipipilit ko pa rin. Basta siya ang premyo.
"Oo, mahal kita, Savion. Mahal na mahal pa rin kita. At kahit na anong gawin mo ay mamahalin pa rin kita," puno ng katapatan kong wika, walang pag-aalinlangan. Nakatitig sa kaniyang mga mata, ipinapakita ang kaseryosohan ng lahat ng ito. "Mas hangal ako sa iyo," nakangisi kong dugtong.
Mabilis niyang tinawid ang aming distansya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko, pinunasan ang luha kong kanina pa pala tumigil. Lalong gumaan ang pakiramdam ko sa mga pinakawalang salita.
"Ito ba ang dahilan ng iyong pagluha? Dahil mahal mo ako?" marahan niyang tanong, iniiwasang magkamali.
Bumagsak ang mata ko sa dibdib niya at bahagyang kumunot ang noo. Ito talaga ang sasabihin niya sa kabila ng mga pag-amin ko?
Ngumiti siya, inilipat ang isang kamay sa likod ng ulo ko at hinalikan ang noo ko dahilan upang mapakislot ako. Sobrang rahan ng mga kilos niya, nakakapanibago. Ganito naman siya noon ngunit siguro ay dahil sa tagal naming hindi nagkita ay hindi na ako sanay. Halos makalimutan ko na ang lahat ng ito, kung paano niya akong alagaan noon.
![](https://img.wattpad.com/cover/252652241-288-k719949.jpg)
BINABASA MO ANG
Ashtrea (Exo Losairos Series #1)
FantasyAshtrea, the daughter of a renowned general in the kingdom of Peridos. She desires to follow her father's footstep to becoming a warrior. *** Ang babaeng nangangarap na sundan ang yapak ng kaniyang ama, ang maging heneral. Ngunit sa pag-abot niya sa...