Selfish
"I'll leave it here first, puntahan ko lang sina Simon," ani Agatha sabay lapag ng isang batsa na puno ng yelo at maliit na twalya sa lamesa.
Tumango ako. "Salamat, Agatha."
Isang tango rin ang ginawad niya sa akin at sandaling binalingan ng tingin si Clyde bago humakbang paatras at tuluyan ng tumalikod para lumabas mula sa sala ng bahay ni Andrei.
Dito kami tumuloy ni Clyde pagkatapos ng nangyari kanina sa game...
Pagkatapos dahan-dahang bumitaw ni Angelo...
"Edi 'wag mo akong intindihin, walang pumipilit sa'yo." Malamig na tugon ni Angelo.
That were his last words before letting go of me.
Pagkatapos ko makita sa mga mata niya ang sobrang frustration... sakit... pagkalito...
Unti-unti siyang bumitaw at tumalikod sa aming lahat. Lumakad siya palayo sa amin at wala kaming nagawa kung hindi ang pagmasdan ang kanyang likuran na palayo sa amin.
Nabasag ang puso ko sa nakita mula sa kanya.
He was my bestfriend, my first love, my first everything...
Aaminin ko, ginusto ko makalimot, ginusto kong wag na siyang mahalin sa paraang 'yon pero kahit ni minsan, hindi ko ginusto na masaktan ko siya ng ganito.
Meron akong naiisip na dahilan kung bakit siya nagkakaganto, kung bakit kahit akala kong okay na kami mula sa usapan namin kagabi ay bigla siyang naging ganito. Pero kahit may ideya na ako, gusto ko pa rin marinig 'yon mula sa kanya, para makasigurado at para malinaw din sa kanya ang nararamdaman ko.
That... I am not here as someone who still has feelings for him...
Dahil sa ngayon, alam kong... wala na akong balak pang bumalik sa kanya. At mas lalong wala akong balak mahalin siya ulit... sa paraang 'yon...
Naramdaman ko ang pag higpit ng hawak ni Clyde sa kamay ko. Mahigpit na hindi nakakapanakit. Tila pinaparamdam lang nito sa akin na... magiging maayos din ang lahat kasi magkahawak kami ng kamay at kasama ko siya.
Bumaba ang mga mata ko sa kamay naming magkahawak at napangiti ako roon.
Ayoko makitang nasasaktan si Angelo...
Pero mas hindi ko kayang bitawan ang kamay ng lalaking ito...
Ito pa lang siguro ang sigurado ko sa oras na 'to.
"Akin na, lagyan natin ng cold compress ang braso mo."
Hindi ako nag-angat ng tingin at tinuon lamang ang mga mata sa braso niya at sa maliit na batsang katabi ko. Marahan kong kinuha ang kamay ko sa kanya pero hindi niya ako binitawan. Nanatili siyang nakahawak sa akin kung kaya't lumundag na naman ang puso ko.
His warm hand held my hand like it never did before. Ramdam ko roon ang takot na bitawan ako, ang desperasyon na manatili kaming magkahawak kamay, ang pag-iingat na baka masaktan ako ng higpit 'non... lahat- lahat...
And only Clyde can do that to me...
It's only him who can make me melt because of him... being... too much.
He is too much...
Sobra-sobra siya para sa akin.
At nakakatakot kasi ngayon ko lang 'to nakikita at nararamdaman mula sa kanya. I always appreciated him, he is wonderful even before. Pero iba yung ngayon, parang sasabog yung puso ko sa pag pipigil na mas maradaman pa siya.
BINABASA MO ANG
MONTGOMERY 7 : Free Fall
RomanceSi Liazabel A. Cabildo, isang babae na may ginintuang puso. Kilala siya hindi lamang sa taglay niyang kabaitan kung hindi dahil na rin sa kung paano niya patakbuhin ang kanyang buhay. She's the youngest daughter of Emil Juan Cabildo, a famous former...