Ikalabing-anim na Tugtog

11.2K 348 53
                                    

Ayokong masanay

Bago siya tuluyang makalayo ay panandalian siyang tumigil nang hindi lumilingon sa akin.

"Sa mga lumipas na taon, alam ko na marami ng nag bago pero hindi pa rin ako sanay."

"At..."

Narinig ko ang kanyang mahinang buntong hininga.

Pakiramdam ko sinasakal ang puso ko. Alam ko ang pakiramdam ng walang prenong sakit na hindi mo aakalaing kayang damhin ng puso mo. Once, before, I felt it from him. At hindi ko akalain na ngayon, ako naman ang mag bibigay sa kanya ng sakit na iyon.

"Ayokong masanay."

Nang lumabas ang mga salitang 'yon sa kanyang labi ay kasabay ng kanyang pag lingon sa akin. Kita ko ang pag aliwalas ng kanyang mga mata. Ang mga salitang namutawi sa kanya ay tila bagahe  na pilit bumabara sa kanyang dibdib na nag laho nang masabi niya ito.

Nanatili akong nakatingin sa kanyang mga mata dahil iniintindi ko siya. Gusto ko siya maintindihan tulad ng dati pero parang hindi ko magawa... ngayon.

"A-anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.

A small smile formed in his lips. "Gusto mong malaman?" 

Nag salubong ang aking kilay dahil sa kaguluhan. Hindi ko maintindihan kung ano ang kahulugan ng ekspresyon niya ngayon. Ang kanyang mga mata ay tila may pinapatunayan at ang kanyang ngiti ay... hindi ko maisalita.

"Angelo, pwede bang diretsuhin mo na ako?"

He let out a chuckle.

Umiwas ako ng tingin dahil sa frustration na nadarama ko mula sa kanya.

"As always, my curious Liazabel."

Tila umikot pabaliktad ang mundo ko nang marinig ang kanyang sinabi.

Hold on tight, Lia.

"Dito sa eksaktong lugar na 'to, eleven pm." Aniya.

He smiled. "Let's go back. Babalik na muna ako sa cabin, pakisabi nalang pag hinanap nila ako."

Wala sa sariling napatango ako at pinanuod siyang ngiting ngiti habang nag lalakad at naunang mag lakad pabalik ng cabins.

Angelo, ano ba itong ginagawa mo? I just hope you won't do anything that could ruin us more.

Ayokong umabot sa punto na aalis na naman ako para lang maiwasan ka.


"Kayo nalang, wala ako sa mood lumabas." Rinig kong sabi ni Tulip habang may kausap sa cellphone niya.

Nakahilig siya sa may bintana ng cabin kung saan tanaw ang madilim na kapaligaran na iniilawan lamang ng buwan at mga bituin.

Narinig ko ang kanyang buntong hininga at bahagyang ngumiti. Her faint smile made her look like an angel under the moonlight.

"Sorry, Alice. Maybe next time." Aniya sa mahinhin na boses.

Binaba niya ang tawag at nanatiling nakatingin sa labas.

Napatingin ako sa cellphone ko at nakitang sampung minuto nalang bago mag eleven pm. 

Napakagat ako sa aking pang ibabang labi at napasandal sa may pintuan. Nakabukas ang pintuan ng cabin namin para pumasok ang sariwang hangin mula sa gabi. Nakahilig ako roon habang pinagmamasdan ang karagatan sa may hindi kalayuan.

'Dito sa eksaktong lugar na 'to, eleven pm.'

I should not go...

But what if he waits? I know him, he won't leave.

MONTGOMERY 7 : Free FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon