Ika-apat na Tugtog

19.3K 698 144
                                    

Hi to pambihira_be! I just love how you give your comments, wala akong masabi pero sobra lang ako nangingiti pag nababasa ko. So witty! To all my Inspirados who are still waiting, I am sorry for the long wait, I hope you'll stay until the end, just like how I'm willing to fight for this series until I can. 

December 25, 2017

For the past years, wala akong ibang naramdaman kung hindi kasiyahan tuwing sasapit ang mga mahalagang okasyon para sa aming dalawa. Yung, pag gising ko sa umaga, pakiramdam ko... busog na busog ang puso ko. I feel like, I'm the happiest woman alive. Kahit hindi siya sa akin, masaya pa rin ako kasi alam ko na kahit hindi niya kayang ibalik ang kaya kong ibigay sa kanya, alam ko na importante ako sa kanya. But now... things are starting to feel different. Instead of being happy, sumasakit ang puso ko sa bawat pag dilat ng aking mga mata. I'm beyond thankful for waking up but I feel like dying when I do too.

I feel so selfish. I feel so hurt.

I'm so disappointed, hindi sa iba kung hindi sa sarili ko. Dahil alam kong hindi tama makaramdam ng ganito. My mom taught me to love without asking for anything in return and I live for them, I live for her teachings. But here I am, wanting to receive the love I'm willing to give him.

I feel so toxic, I feel like I'm destroying myself because of the love I have for him and I don't want that to happen because I want to remember the good memories. I want our friendship to be the most treasured part of my life. Ayokong dumating ang panahon na kahit ang maalala lamang siya, ay hindi ko na magawa.

Pero paano kung mag hangad ang puso ko ng kapalit? Sapat ba na dahilan ang pagiging tao lamang? That it is normal because I'm human?

I don't want to hurt him. Alam kong masasaktan siya dahil maiipit siya sa sitwasyon.

What I need to do depends on me, him and my family to be free from the pain.

Right now, I think I did the right thing. 

Choosing the end to start a new beginning.


"Of course, Lia. I am safe. Ano ba ang pwedeng mangyari sa akin..." Litong tanong niya.

Umiling ako at hinayaan lamang na bumuhos ang mga luha ko na para bang walang kapaguran sa pag labas. Sumasabay ang mga ito sa ulan, tila lahat ng emosyon ko ay ramdam hindi lamang sa kaloob-looban ko kung hindi sa paligid din.

Everything speaks of me.

My tears. The rain. Dark sky.

"I thought... something happened." Hikbi ko. "I thought you were late because something bad happened."

Naramdaman ko ang pag higpit ng kanyang yakap. Kasabay 'non ang pag lakas pa ng ulan.

"I'm sorry." Aniya muli.

Hindi ko alam pero muling nabasag ang puso ko sa narinig ko. I never thought that hearing sorry could hurt this bad.

"Kailan ka mapapagod sabihin 'yan?" Bulong ko, sapat lamang para marinig niya.

"What?"

I painfully smiled and took a step back. Kumalas ang kanyang pagkaka-hawak sa akin at bumungad sa akin ang mga mata niyang puno ng pag-aalala at kalituhan. Sa nakita kong emosyon sa mga mata niya, nakaramdam ako ng pag-kirot sa puso ko.

I can't explain how much I love this man in front of me, and seeing him so confused and worried makes me so sad.

Nakakatawa hindi ba? I should be happy because he cares for me but I don't know why I feel the opposite.

MONTGOMERY 7 : Free FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon