Simula

63.6K 926 101
                                    


December 2, 2017

Today is a brand new day. Bagong araw, bagong pag-asa, gumising ako ng may ngiti sa aking labi, umaasang may nag-bago sa pagtibok ng aking puso ngunit sa mundong ito, dalawa lang ata ang constant sa aking buhay... one...change and second...my love for him.

Tumitibok pa rin ang puso ko para sa kanya.

As of today, I'm still loving him...

"Anak! Lia!"

Narinig ko ang boses ng aking ina na pumaibabaw sa buong kwarto ko.

Lihim akong napangiti nang marinig ang kanyang malakas na boses para lamang gisingin ako.

"Gumising ka na diyan! Itong batang 'to talaga, hindi ka talaga tatayo diyan? Aba, buong araw ka ng naka-higa kahapon, wala ka bang balak harapin kami ng tatay mo?" My mom kept on ranting which made me smile more.

Para naman akong zombie na hinila ang sarili paupo mula sa masarap na pagkaka-higa. Narinig ko ang pag-patay sa aking cassette player at sa aking aircon. Napa-suklay ako sa aking buhok gamit ang aking mga daliri habang hinahayaan ang inang mag-ligpit ng kaunti sa aking kwarto.

Mabagal ang aking ginawang pag-suklay kaya narinig ko ang pag buntong-hininga ng aking ina sa gilid.

"Akin na nga..." aniya.

Matamis akong ngumiti at hinintay siyang lumapit sa akin.

"Mamshie, ang aga-aga pero pinapasaya mo na ang araw ko." Saad ko.

Kumunot ang kanyang noo habang kinukuha ang suklay sa taas ng aking vanity mirror.

"Anong ibig mong sabihin?" Litong tanong niya.

Lumapit siya sa aking kama at umupo sa aking tabi. Naramdaman ko ang pag-lubog ng aking kinahihigaan dahil sa ginawa niyang pag-upo.

I looked at her lovingly and reached for her to give her a tight hug.

"I really love hearing your voice, mamsh. Lalo na sa umaga." Malambing kong sabi.

Narinig ko ang kanyang hagikgik kaya mas lalo ko pa siyang niyakap.

"Naku, ang anak ko talaga, naglambing na naman! Ga'non mo ba ako na-miss?"

Tumango-tango ako. "Just imagine, three weeks ako sa L.A, wala akong naririnig na boses kung hindi sarili ko o kaya ay ang tunog ng camera ko. Nakaka-miss din pala ang mga sermon mo, mamshie."

Bahagya niya akong tinulak sa sinabi ko pero nanatili akong nakayakap sa kanya kaya hindi niya ako nagawang ilayo.

"Wala tayong magagawa, 'yan ang pinili mong gawin sa buhay. Ayaw mo na ba? May iba ka na bang gustong gawin?"

Umiling ako. "I really love what I'm doing. Nag lalambing lang po ako, kayo naman... too serious!" Tugon ko sabay hagikgik.

My parents were very supportive of me, lahat ng gusto kong gawin ay sinosoportahan nila, basta alam nilang makakatulong sa akin at magpapasaya sa akin. Kahit kailan ay hindi nila pinaramdam sa akin na hindi nila ako kayang suportahan.

Hindi nila ako kailan'man pinilit sa ayaw kong gawin.

Minsan nga naiisip ko... I'm too blessed because of them, because I have them as my parents. Tila, sobra-sobra sila para sa akin, kaya na-pepressure ako na maging mas mabuting anak para makita nila na ang lahat ng pinagpapaguran nila ay hindi sayang.

"Hay, mabuti naman kung ga'non. Pero kung ako lang ang mag de-desisyon, ayaw na sana kitang ginagawa ang travel-travel na 'yan. Hindi mo alam minsan pakiramdam ko lalabas ang puso ko pag nakakakita ako ng mga balita tungkol sa mga bumabagsak na eroplano o ano pa man."

MONTGOMERY 7 : Free FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon