Ikaapatnaput-pitong Tugtog

1.9K 63 26
                                    

January 2024 when I started going back to Wattpad, naalala ko gantong ganto ako noong nag sisimula ako, almost everyday updates, I wanted to assure everyone I am back and I hope I made that clear now, ngayong patapos na ang Free Fall at nasa Kabanata 39 na tayo ng Lost in the Light, ang bilis bigla...

Pero kasabay 'non, ang dami ko rin plano bigla para sa ating lahat. I have so many series in mind! Branching from Montgomery Series, and I hope you could all welcome these new stories like how you welcome the past stories I have written yet.

To more memories and stories shared, I love you all! ❤️

this is not yet the last chapter~

Unang silip kay Clyde

She was my forbidden.

She has always been a cliff I wouldn't dare jump to, dahil napakataas ng hulog 'non. I could die from falling...

Pero kahit ga'non, araw-araw akong pumupunta sa bangin na 'yon, umaasam na masilayan man lang siya.

I would always watch her from afar, smiling and laughing with her... hurting when she's hurt, celebrating when she achieved something and crumble in worry when something not good happened.

"What happened here?"

Lumapit ako kay Lia nang makitang nakatungo siya sa hood ng kotse niya.

"Uh... pauwi na kasi ako kaya lang ayaw mag start ng kotse ko."

Umayos siya ng tayo at halos mapatid ang pag hinga ko nang masilayan siya. May kaunting dungis ang pisngi niya, nakakunot ang noo niya— dismayado sa pangyayari, at nakanguso ang labi niya na parang gusto mag maktol.

Cute.

Tangina. Ang cute niya talaga.

Takpan ko kaya ang mukha niya para hindi ko siya nakikita?

I reached for her face to wipe the dirt on her cheek.

"Ay!" Tinulungan niya ako burahin 'yon kaya bahagya akong natawa nang mas kumalat pa iyon.

"Ako na..." mahina kong sabi bago kuhanin ang panyo sa bulsa ko.

I took a step closer, sapat lang para sa ikakasalba ng puso ko dahil siguradong mahuhulog na naman ako mamaya.

Nanatili siyang nakatingin sa akin gamit ang inosente niyang mga mata, hindi alam ang kabaliwan na dinudulot niya sa akin.

She smiled a little as I wipe her cheek. Hinigit ko ang hininga ko at ngumisi lamang para maitago ang paninikip ng dibdib ko.

Damn. This. Woman.

Hindi niya ba alam na delikado ngumiti sa harapan ko?

Baka mahalikan ko pa 'to rito! Edi tinakwil ako sa pamilya namin?

"Ikaw? Anong ginagawa mo rito? Umalis si Angelo, hinatid si Beatriz." Balik niyang tanong.

I saw pain flashed in her eyes pero mabilis iyon nawala nang ibaling ang tingin sa sasakyan niya.

A pang of pain hit my heart.

Clyde. Don't go there. It will just hurt you.

Pero nasasaktan siya... pakiramdam ko ay may kailangan ako gawin.

MONTGOMERY 7 : Free FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon