Ikalabing-siyam na Tugtog

4.6K 172 27
                                    

Tree

"Saan mo ba kasi ako dadalhin?" Natatawang tanong ko kay Clyde.

Nakatakip ang mga mata ko habang ginigiya niya ako papunta sa isang lugar kung saan daw kami mag aagahan. Sinundo niya pa ako sa cabin namin ni Tulip at tinakpan ng panyo ang aking mga mata.

Iniwan ko roon ang cellphone ko, lalo na at alam kong tatawag si papshie sa akin at mangungulit na naman ngayong umaga.

Kami lamang daw ang mag aagahan ngayon, hihiwalay daw kami sa mga pinsan niya lalo na at hindi pa kami nakakapag sariling dalawa.

Hindi ko alam pero habang hinihintay si Tulip matapos sa pag-ligo, sabik na sabik ako makita si Clyde...

Kaya sobrang tuwa ko nang ayain niya ako mag-agahan. We normally do this before in Singapore kaya talagang hindi ko rin maintindihan ang sarili ko.

I actually felt at peace and I just want to spend my morning with him.

"Shh, malapit na tayo," rinig kong bulong niya sa aking gilid.

Naramdaman ko ang malambot na buhangin sa aking paanan, ang isang kamay niya ay nakahawak sa aking kamay at ang kaliwa naman ay sa aking bewang. 

Puno ng pag-aalalay ang kanyang ginawa sa akin at hindi mapigilan ng puso ko ang manlambot sa bawat hawak niya sa akin, this is what he makes me feel, relax and comforted. Kahit kailan ay hindi ako nangamba ng sobra-sobra, lalo na at alam kong nandyan siya.

Humigpit ang hawak ko sa kanya nang marinig ko ang mahinang hampas ng alon.

Narinig ko ang bahagya niyang pag-tawa.

"Clyde, nasa dalampasigan—" 

Bago ko pa matuloy ang sasabihin ko ay natigilan na ako dahil bumitaw siya sa akin. Napalinga ako pero nang maramdaman ko ang kamay niya sa may panyo na tumatakip sa aking mata ay naisarado ko nalamang ang labi ko.

"Here we go..." bulong niya.

Naramdaman ko ang pag-layo ng panyo sa akin at marahan kong minulat ang aking mga mata. Nag-adjust ako sa liwanag at nanlaki ang aking mga mata sa nakita.

"Clyde..." I whispered.

"Do you like it?" Muli niyang bulong sabay hawak sa aking kamay para gabayan ako muli sa paglalakad palapit sa upuan na para sa akin.

Hindi ako makasagot, nakatingin lamang ako sa aking harapan hanggang sa makaupo. 

In front of me is a table for two. Naka ayos ito na para bang espesyal na breakfast date talaga ito para sa amin. May bulaklak pa sa gitna at sa harapan namin dalawa ay ang agahan na alam kong siya ang nag luto.

I know because I know he's not good with presentation but he cooks really well.

Sa amoy palang alam kong masarap na, kahit na parang nagutay-gutay ang itlog at hindi bilog na bilog ang pancakes. May hotdogs din, bacon at bread sa gilid.

Umihip ang hangin at doon ko pa lamang siya tinignan. Nag angat ako ng tingin at matamis na ngiti ang ginawad ko sa kanya.

I felt my heart whispered something.

Tumindig ang balahibo ko at hinayaan na titigan din niya ako pabalik.

What was that?

"Hey...do you like it?" 

Nag-kunot ang kanyang noo habang pinagmamasdan ako. Mula sa pag-kunot ay gumuhit ang pag-aalala roon, marahil dahil sa pawawalang-kibo ko.

Mas lalo akong nangiti roon at binaling ang tingin ko sa dalampasigan. Napaka-kalmado ng tubig ngayon at maganda rin ang sikat ng araw. Hindi masyadong mainit na nakakapaso, tama lang para sa napakagandang umaga.

MONTGOMERY 7 : Free FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon