Hi Inspirados!
A week has passed again, I hope you're all doing just fine despite the pandemic. Please take care, take extra care if possible.
This chapter is really hard for me to revamp, parang ito yung turning point nilang dalawa. But I guess, I just want to show how Lia is... really, after those years, as well as Angelo.
I hope you like it :)
Minamahal
"Lia, we are really sorry for what happened with your top." Ani Tita Jade habang may pag-aalala sa kanyang mga mata.
Maagap akong umiling at matamis na ngumiti. "No, Tita. It's definitely okay. Damit lang po iyon, it's not a big deal." Pag-uulit ko sa kanina ko pa sinasabi sa kanila.
We are at the dining room and we are already half-way done from finishing our food. Iba sa aking inaasahan ang nangyari, hindi lahat ng Montgomery ay nakapunta at hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko ba 'yon o ikalulungkot. Nasa kabisera si Tito Ivor habang nasa kaliwa naman niya si Tita Jade. Clyde is sitting across her mother while I'm sitting beside him. Nasa tabi ko ang pamilya ni Ate Adrianna habang si Tulip, Angelo, Kuya Carl at Kuya Adrian ay sa kaliwang bahagi ng dining table naka-pwesto.
Aaminin ko, hindi ako makakain ng mabuti, hindi dahil iba ang ihip ng hangin o hindi ako kumportable sa kanila—dahil kung tutuusin ay normal naman ang pakikitungo nila sa akin. Ayos naman ang lahat, tanggap nila ako at parang wala man nag bago sa relasyon ko sa kanila. Tipong walang problema kahit mula sa pagiging best friend ni Angelo ay girlfriend na ako ni Clyde ngayon.
Everything is okay.
Everything.
Except for the fact that Angelo kept on looking at me with his eyes... his eyes that emit emotions that I don't even want to name. I want to be comfortable around him but he's making it hard for me because of the way he looks at me.
What is his problem?
Para akong mabibilaukan sa tuwing titignan niya ako. Hindi nakakatulong na siya ang katabi ni Tita Jade, hindi nakakatulong na tuwing mag-aangat ako ng tingin ay siya ang masisilayan ko. With our past, with how I ended things before, kung paano ko siya iniwan noon dahil lang sa nagkamali akong makaramdam ng bawal para sa kanya. I know there's a lot to say, a lot to ask, maraming tanong at hindi ko alam kung gugustuhin ko pa ba mag bigay ng mga sagot sa iyon.
Hindi ba pwedeng hayaan nalang? 'Wag ng buksan muli ang sugat na nag-sara?
Binaling ko ang tingin kay Tulip na siya naman katabi ni Angelo. Naaalala ko pa noon, ang huling kita ko sa kanya ay bakas pa ang lungkot sa mga mata niya at namayat din. Stress was evident in her eyes and in her actions. Tipid ang kanyang mga kilos at puro ngiti, tango, iling lamang ang kanyang tugon sa bawat tanong o sinasabi sa kanya.
But now, I can feel her happiness at sobra akong masaya para sa kanya.
That feeling of seeing someone's happiness radiates on everyone else? Sinong may hindi gusto 'non?
I am happy for her! She deserves it! She's now happily married with the man she fought for.
Noong nake-kwento ni Angelo sa akin 'yon, hindi ko alam kung anong maiisip ko lalo na at pinalaki ako ng mga magulang ko na hindi magkaroon ng konklusyon o komento sa problema ng iba, pero sa huli, I realized... it is not her fault that she felt that way nor it is Simon's fault. Para sa akin, kahit masasabing iba ang sitwasyon nila o ang naramdaman niya para sa kapatid niya-sa naramdaman ko dati para sa matalik kong kaibigan, ay naiintindihan ko pa rin siya. I understand her so much that I want to hug her and tell her that she made it, she did well and I have no words but hands down to her.
BINABASA MO ANG
MONTGOMERY 7 : Free Fall
RomanceSi Liazabel A. Cabildo, isang babae na may ginintuang puso. Kilala siya hindi lamang sa taglay niyang kabaitan kung hindi dahil na rin sa kung paano niya patakbuhin ang kanyang buhay. She's the youngest daughter of Emil Juan Cabildo, a famous former...