Ikadalawamput-dalawang Tugtog

4.3K 151 8
                                    

Mistake


"Are you sure ayaw mo sa bahay nalang kayo? I am sure mom and dad will understa—"

"Clyde, I am sure," pag putol ko sa kanyang sinasabi. "I am sure your mom and dad will understand. Pero desisyon ko 'to para sa amin ni mamshie. Hindi ko pa alam ang lahat ng nangyayari, gusto ko magkausap muna kami... na kaming dalawa lang, and I know kahit na kaibigan namin ang pamilya niyo, hindi niya gugustuhin pagusapan to sa bahay niyo..." dagdag ko.

Kita ko ang pagkabigo sa kanyang mga mata habang napipilitang tumango. Alam niyang may punto ako, at tanging ang pag-aalala lang niya ang pumipigil para pag bigyan ako.

Nangilid na naman ang luha sa aking mga mata. Habang tinitignan siya ngayon, parang gusto ko nalang manghina at tumakbo sa kanya.

Nakakatawang isipin na, sa unang pagkakataon, may isang tao akong gustong pakitaan ng kahinaan ko.

For many years, I was so used to being the matured one. In every way, anywhere, whoever I am dealing with, dapat lagi matatag ako at mapag-unawa.

Pero ngayon...

I want him to be my fortress...

"You want me to stay here? Mag bo-book ako sa tabi ng kwarto niyo..."

I can sense desperation from him.

Pero habang tinitignan ko siya, disheveled hair, tired eyes... siya ang nagmaneho sa paguwi namin ng Maynila, ngayon naman ay kami pa rin ang inaasikaso niya.

Dinala niya kami sa Harris Hotel, pagmamay-ari ito ng kanilang pamilya. Hindi na ako tumanggi kasi alam kong ito lang ang magpapapanatag sa kanya.

And mamshie was so tired from crying, gusto ko na rin na makapagpahinga siya. Ayun, kahiga niya sa kama ay nakatulog agad siya.

"Clyde, I want you to go home for now... kanina ka pa tinatawagan ng pamilya mo... may problema ba?" Puno ng pag-alala kong tanong.

Habang nagbbyahe kami papunta rito ay tawag ng tawag ang mga pinsan niya. Isang beses lamang niya iyon sinagot sa kabila ng dami ng tawag mula sa kanila.

Umiling lamang siya. "It's just... Kuya Carl is getting crazy again," he almost whispered.

Natigilan ako sa sinabi niya. Sa dami ng iniisip ko, mula kay papshie, sa kabit niya at sa anak nila, hindi ko na nakamusta ang lagay ni Kuya Carl. I never thought they will have this kind of problem when it comes with him, kasi simula noong makilala ko ang pamilya nila at mapalapit ako ay siya na ang kilala kong pinaka mature... nasusunod... parang pinaka nag dedesisyon dahil sa taglay niyang... what do you call this... decisiveness?

But from what I heard, he's not like that anymore... dahil kay Dra. Kathleen Fae Camongol. I remember singing for them... for a surprise prepared by Kuya Carl. Kami pa 'non ni Angelo ang kumanta para sa kanila.

Akala ko rin ay sila na...

But three years ago, she vanished. Hinahanap nila siya ngayon, tumutulong din si Clyde pero si Kuya Adrian, Kuya Dos at Simon ang pinaka tutok dito dahil pumupunta sila sa mga bansang nababalitaan nilang may lead sa kanya.

Kuya Carl? Sometimes... he's okay, more often than not... hindi.

"Go home,"

"No... bukas nalang ako uuwi,"

Umiling ako. "Please Clyde, pagod din ako, magpapahinga lang ako niyan."

He needs to go home, kailangan siya ng pamilya niya at ganun din ako, kami ni mamshie muna ang dapat mag-usap.

MONTGOMERY 7 : Free FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon