Coffee
Muling lumipas ang ilang buwan, nanatiling ga'non ang routine namin. Two o'clock, panigurado ay nandoon na ako, napansin na rin ng mga kapatid ko 'yon pero hindi naman sila nag tatanong. Salamat nalang din at ga'non dahil hindi ko rin alam ang sasabihin kung sakali.
Pero sa katunayan, natutuwa naman daw sila sa pag labas-labas ko, noong mga unang araw ko kasi rito, nasa kwarto lang ako, nakakulong, kung hindi umiiyak, nag papahinga naman galing sa iyak.
Maayos rin ang buhay ko rito, may iilang kaibigan na rin ako dahil sa ilang gig na nagawa ko, patungkol naman kay Clyde... I guess we're okay now?
Sa tingin ko mag kaibigan na kami uli... at masaya ako na ga'non nga.
Hindi na siya nag tatago, inaabangan na niya ako sa may parking kapag sumapit na ang alas dos. Nakakapag-kwentuhan na rin kami ng kaunti, pero hindi namin nababanggit ang kahit ano mang tungkol sa mga naiwan namin pareho sa Pilipinas. Hindi naman namin ito pinagkasunduan, hmm... sa totoo lang, it felt like we both know that it's better not to talk about it.
Lalo na ako... I don't think magagawa ko pa mabukas kahit kanino ang mga pinagdaanan ko pagkarating ko rito.
Wala atang gabi noon na hindi ako umiiyak. Tuwing maaalala ko kung paano ako noong mga gabing 'yon, parang mangingilabot ako sa takot na baka mangyari na naman 'yon. Yung pakiramdam na kahiga mo palang sa kama, yayakapin mo na ang sarili mo at mararamdaman mo nalang ang sarili mong kinakain ng lungkot at sakit dahil gusto mong makawala sa lahat ng ala-ala ng iniwan mo sa nakaraan.
Yung pakiramdam na gusto mo makalimot pero hindi mo alam kung paano. Yung magdadasal ka na sana sagipin ka mula sa pagkalunod pero alam mong kailangan mo tulungan yung sarili mo. Yung gusto mo tumayo pero hinang-hina ka at gusto mo nalang may sumagip sayo.
Yung gusto mo mag mahal ng malaya pero alam mong mas mainam limutin ang pag-ibig na iyon.
Yung gusto mo nalang matapos ang lahat pero wala kang magawa kung hindi mag hintay ng pag lipas ng oras.
This season really taught me patience... and waiting.
I can't imagine telling anyone what I've been through, I can't even imagine myself going into details sa kung ano ba ang mga napagdaanan ko noon. Gusto ko nalang sila malimutan, at hayaan sa nakaraan ko.
Hindi ko alam kung may sakit pa akong mararanasan na higit pa roon. But I pray to God everyday that I will never experience that again, or anything close from it.
Thank God, hindi nagtatanong si Clyde. I wouldn't want us to go awkward again. Baka mamaya hindi pa pala kami gaanong okay, mainam ng ganito.
Pero may isang bagay siyang nasabi sa akin na nagpadama sa akin na ayos na talaga kami.
It was some sort of a puzzle piece... that connected us again.
Naikwento niya na isa sa mga dahilan kung bakit siya nandito ay dahil may tinatakasan siyang kaso sa Pilipinas. Pinahawak sa kanya ang ilang branches ng business nila rito para makatakas mula roon. Noong una ko narinig 'yon ay sobra rin ang gulat ko. Halos mahabag ako sa narinig, pero nang marinig ko ang rason kung bakit at ano ang nangyayari ay hindi na rin ako gaanong nagulat.
Clyde loves to help.
In all sort of situation, kahit ano pa 'yan, ano man ang mangyari... tutulong siya. Hindi ko rin alam kung bakit, kung may nangyari ba noon sa buhay niya at bakit ga'non nalang siya sa mga tao, kilala man niya o hindi, kung titignan ay wala naman siyang makukuha mula roon, tulad ngayon... kinasuhan pa siya, siya ang napagkamalan na nag rape sa isang babaeng tinulungan niya.
BINABASA MO ANG
MONTGOMERY 7 : Free Fall
RomanceSi Liazabel A. Cabildo, isang babae na may ginintuang puso. Kilala siya hindi lamang sa taglay niyang kabaitan kung hindi dahil na rin sa kung paano niya patakbuhin ang kanyang buhay. She's the youngest daughter of Emil Juan Cabildo, a famous former...