Ikaapatnaput-limang Tugtog

4.9K 114 24
                                    

Dance

"Iwan mo nalang diyan, hija."

Nilagay ni Tita Jade ang ilang pinggan sa gilid ng lababo.

Akmang kukunin ng kasambahay nila pero sumenyas si Tita Jade na siya nalamang ang mag aasikaso 'non.

"Okay lang po Tita, pagkatapos ng mahabang araw na to, gusto ko pong gumawa ng simpleng bagay."

That kind of feeling... na pagkatapos ng nakakapagod na kaganapan, ang isang simpleng gawain ang magpapakalma sayo. Yung matutulala ka lang habang ginagawa mo to.

Naalala ko, noong nag aaral kami, pag may mahirap na quiz kinabukasan, gusto ko ako ang nag huhugas ng pinggan para may rason ako para mag pahinga sa review, matutulala lanang ako 'non habang nakikinig ng music, pinagmamasdan ang pinggan at bula ng sabon.

"Ilabas mo nalang itong dessert sa garden, aayusin ko lang ito at susunod ako."

Tinignan ko ang nakahain na apat na lecheflan sa isang malaking tray. May nakalagay na rin na kubyertos sa pinaka-gilid ng tray.

Tumango ako at tinungo ang counter top kung saan nakalagay ito. Inayos ko ito para masiguradong hindi mahuhulog bago inangat at kinuha.

"Lia..." she trailed.

"Po?"

Magaan na ngiti ang ibinigay ni Tita sa akin.

"Thank you..." her eyes glimmered. "For... everything you've done for my son."

Napailing ako sa sinabi niya. "He did so much more for me po, Tita."

She gracefully smiled at me. Tita Jade's whole appearance shouts elegance, kahit naka simpleng puting dress lamang siya na hanggang tuhod, nakalugay ang maikling buhok at walang kahit anong make-up.

Halatang na-aalagaan din niya ang sarili niya dahil hindi kalayuan ang mukha niya sa mukha niya noong dalaga pa siya— na makikita sa mga naka-display sa sala nila.

If anything else, she looks even beautiful now. Like a fine wine.

"All these years, pakiramdam ko napabayaan ko si Clyde. Sa kanilang magkakapatid kasi, sa kanya lang ako hindi nagkakaproblema. You already know about two of my children, and Carl... has been very... hmm... extreme lately. But with Clyde, he always listens and he does things with caution pero hindi ko inakalang mas kailangan niya ako. I failed him—"

"No, Tita." Putol ko.

Hindi ko mapigilan mapangiti. "Clyde is who he is because of you and Tito. Hindi niya po iyan gugustuhin marinig."

"No, hija... let's admit it. I should have asked more... cared more..."

"Noon, ganyan din po ang iniisip ko. Kahit naman po ngayon. Pero, naisip ko, mawawalang saysay lahat ng ginawa niya para sa atin kung iisipin ko palagi 'yon. Instead, I want to show my appreciation to him, every single second... everytime... gusto ko pong makita niya na worth it lahat..." putol-putol kong sabi.

Hindi ko alam kung paano ko nagagawang sabihin 'to kay Tita Jade, to be this expressive to her... pero, para kay Clyde gagawin ko. To assure the people he loves that he's okay, he will be okay, kasi nandito kami at dapat maging matatag kami para sa kanya.

I want to help him this way.

"I..." nanginig ang boses niya. "...am sorry, I just..." naalarma ako nang mabilis niyang punasan ang mga luha niyang nagsipatakan.

"Tita..."

Lalapit na sana ako nang pigilan niya ako gamit ang pag taas ng kamay niya. "I am okay..."

MONTGOMERY 7 : Free FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon