Ikadalawamput-siyam na Tugtog

4.1K 187 99
                                    

World


"Excuse me?" Gulat kong balik sa kanya.

Siguradong bakas sa eskspresyon ko ang gulat mula sa narinig.

Sino ba naman hindi magugulat?

Hearing sorry from her...

Could mean a lot of things...

Is she saying sorry about our father?

For him choosing them?

O dahil hindi siya maiwan ni papshie?

O dahil sila na talaga finally ang pipiliin ni papshie?

Hindi mapakali ang isip at utak ko sa dami-dami ng nararamdaman at naiisip.

Umayos siya ng upo at bahagyang lumapit sa lamesa na nakapagitan sa amin.

"I am sorry for... everything..." she whispered.

Napaawang ang labi ko.

Sandali siyang tumigil at pinagmasdan lamang ako. Ilang beses siya umiwas ng tingin bago binalik muli ang tingin sa akin.

"Noon, si Angelo. Ngayon, daddy mo."

"Beatriz..."

Mapait siyang ngumiti. "Inggit na inggit ako sayo, Lia."

Bumaba ang tingin niya sa inumin niya.

"You are this beautiful young lady who is adored by her parents, talented na maganda pa, you're good with music, you're eloquent, your life is so colorful, you get to go for your dreams... blogging... travelling... and then you have Angelo with you..." she stopped without looking at me. "... who loves you dearly and that includes his family too."

Sa buong buhay ko, I was so used to express myself with words, sa blogging man o sa pag susulat ng kanta... o sa pag kanta mismo... pero ngayon, wala akong maisip na tamang salita na mag sasabi kung ano ba ang nararamdaman ko.

"Nasayo ang lahat, Lia. You are so blessed. Kahit kailan hindi ka nag limos ng atensyon o ng pagmamahal, kahit kailan hindi mo naranasan yung kulang..."

I shifted on my sit.

Parang sinampal ako sa sinabi niya.

How can she say this?

How can she simply define me this way...

"Habang ako... buong buhay ko, nanlilimos ako mula sa mga taong nakapaligid sa'yo."

Her tone, her words... are mellow... ni hindi niya ako sinisigawan, pero parang sasaksakin ako ng mga salita niya sa sakit.

"Sinadya ko ang lahat, Lia."

Nag-angat siya ng tingin kung kaya't nahigit ko sandali ang hininga ko.

Sinadya?

Nagkunot ang noo ko. "A-ano?"

"Having your father to acknowledge me was not enough, ginusto ko rin ang atensyon ni Angelo sayo noon. I watched your life from a distance and I saw how much he loves you. Hindi mo alam?"

Napahawak ako sa arm rest ng kinauupuan ko.

Her face shows no expression.

"Ikaw lang ata ang walang alam, kitang kita naman sa kanya. Angelo was like a puppy when it comes to you, noon pa man. Tawagin mo lang siya, nandyan siya agad, kahit nga hindi mo siya kailangan... nakasunod pa rin siya sa'yo."

I knew Angelo loved me... sinabi na niya ito sa akin, but to hear it from someone else, especially from Beatriz, his ex-girlfriend, ibang pakiramdam ang dulot nito sa akin, parang ang sama-sama kong tao. I am hurting Angelo... but I am hurting Beatriz more.

MONTGOMERY 7 : Free FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon