Adrian's pain
The days went by so fast, parang nanunuod ako ng pelikula sa bilis ng mga pangyayari. Tahimik lamang ang mga araw, wala pa rin paramdam si Angelo pagkatapos niya bumukod mula sa bahay nila. His family is worried everyday. Clyde's therapy is still ongoing, my heart haven't grasped it yet, kung gaano kalalim ang sugat ni Clyde... I can't...
Hindi pa namin ito napapag-usapan, gusto ko siya tanungin at malaman ang lahat ng nangyari pero pakiramdam ko, doktor niya lamang ang may karapatan makaalam 'non. Minsan, pakiramdam ko, gusto niya ikwento pero hindi ko alam bakit nag dadalawang isip siya.
I'm showing him everyday how welcoming I am on the idea of him telling me.
But I guess that's the thing with people going through such situation. Hindi natin sila mapipilit, sila ang mag didikta kung kailan nila masasabi ang mga bagay na nasa loob nila, we just have to be patient, walk it with them and make sure they feel that they're safe with you.
"Lia, lumabas ka na dyan, eat breakfast. Darating si dad and his child." I heard my brother knocked.
I rolled my eyes and sighed. Ibinaba ko ang mga paa ko mula sa kama at inayos ang pajama ko bago tinungo ang pintuan ng aking kwarto para buksan.
"Her name is Beatriz, kuya. Learn to say it." Komento ko nang makaharap siya.
His disheveled hair felt like it will become messier because of what I said. Lumingkis ako sa braso niyang batak sa gym at bahagya itong kinurot.
"Alam mo kuya, Beatriz is nice... hindi niya kasalanan ang kasalanan ni papshie." Dagdag ko.
"Tsk. Pumayag na nga ako na papasukin siya sa bahay na to diba?"
I smiled brightly and nodded. "Oo nga... at pinagpapasalamat namin yun! Pero mas maganda if tawagin mo na siya sa pangalan niya diba?"
Inalis ni kuya ang pagkakalingkis ko sa kanya at inakbayan ako. Niyakap niya ako sa kanya at inayos ang buhok ko para sa akin.
Sabay kaming bumaba papunta sa kusina.
"Darating din tayo diyan, slowly Lia... hindi ko pa lubusan natatanggap ang lahat. Nagkamali pa rin si papa at hindi niya pa napapagbayaran 'yon."
I sighed and nodded. "I know... besides... si mamshie na ang hahatol sa kanya."
Nag-angat ako ng tingin at nakita ang pag ngisi niya na para bang may alam siya na hindi ko alam.
"What is it?" Tanong ko.
Umiling lamang siya habang nangingisi.
"Kuya!"
"May hatol na si mama, just wait and see."
Nanlaki ang mga mata ko. "Really?! Ano naman iyon?!" Gulat na gulat kong tanong.
"Just wait... and see... be patient, lil' sis. Masyado kang nag mamadali maayos ang mga bagay-bagay."
"Kuya!" Inis kong sabi.
Tumawa lamang siya at tinulungan ako umupo sa kusina.
"Tatanungin ko si mamshie!"
Umupo siya sa tabi ko. "Wag mo muna, hayaan mo muna siya mag isip, baka mag bago pa ang isip,"
"Ano ba yung iniisip niya?"
Bahagya niyang tinapik ang noo ko.
"Diba I told you? Hayaan mo muna."
I hissed and rolled my eyes. He pinched my cheeks and I quickly shrugged it off. "Kuya ano ba?!"
Mabilis niya akong niyakap ng mahigpit at pilit ko siyang tinutulak pero tawa lamang ang nakuha ko mula sa kanya.
BINABASA MO ANG
MONTGOMERY 7 : Free Fall
RomansaLiazabel A. Cabildo has loved freely her whole life-even when it meant loving her best friend, Angelo, in silence. When the time comes that she had to move on, Lia leaves the country, believing distance is the only way to heal. Overseas, there was C...
