Ika-pitong Tugtog

22.2K 649 176
                                    

Inspirados! I am back! If you've been following Take A Chance, isang chapter nalang at matatapos na ito at habang sinusulat ko pa iyon, gusto ko munang bumalik dito at sabihin sa inyo ang plano ko. If you notice, starting from this chapter, in-unpublish ko ang mga kasunod na chapter na na-ipublish ko na hanggang April. I think 10 chapters din ang tinake down ko. Kasi, I felt... I wasn't me when I wrote this chapter and the following chapters after this. If you're wondering if may binago ako sa chapter na 'to, the answer is yes. Small details here and there ang mga pinalitan ko pero maliit man ang mga 'yon they are important to the building up of the future chapters.

Lalo na si Lia, I am quite revamping her because honestly nung sinulat ko siya, my emotions were more personal na hindi naman dapat, I should have stick to her character. So here I am, presenting to you the character of what should have been her if I wasn't messed up the past year. Hehe <3 

I hope you'll enjoy re-reading this chapter and I hope you'll give it another try. Thank you!

Real

In this world, we get to love a lot of people but each love is different and in my life, I learned it in the hard way.

"Bakit mo pa kasi ako sinama dito sa inyo? It's a family thing, you should give your time to your family. Kung nandito ako, dadagdag lang ako sa mga iniisip mo tapos—"

"Are you really thinking about that or—"

Maagap kong hinawakan ang magkabilang pisngi niya para matahimik siya. Matamis akong ngumiti at umiling sa kanya. Kita ko ang pag-taas ng kilay niya kaya bahagya akong napahagikgik. Umiling-iling ako bago ko siya binitawan.

I know he got what I wanted to say without uttering a single word. Ga'non kami, simula pa man. He knows what I'm thinking or what I wanted to say, kahit na wala pa akong sinasabi. Kahit ang mga pinaka-tatago kong sikreto ay alam niya, kilalang-kilala niya na ako.

The three years we shared together at Singapore can't be replaced by anything. I never imagined na posible pala 'yon, yung makakilala ka ng taong parang itinadhana sa'yo. 

Like at the very perfect time, perfect place, our world met...

Whenever I am with him, I am at ease.

He is my safe haven.

The years with him, I've been my most true and thinking about it makes me so contented.

"Princess."

Natigil ako sa pag-iisip nang may mag-salita sa tabi ko. Doon ko lamang napansin na nasa tabi ko na si Clyde at binuksan na niya ang pintuan ng kotse para sa akin.

I rolled my eyes when I saw him reaching his left hand for me. He chuckled which made me giggle too. Tinanggap ko ito at hinayaan siya na alalayan ako sa pag-baba. Iniwan ko nalamang ang bag ko sa loob ng kotse niya dahil hindi ko naman ito kakailanganin, I only need my collected self and sanity to survive.

"Thank you, Prince." Pag-papasalamat ko.

Kita ko ang pag-kunot ng noo niya sa tinawag ko sa kanya. Sumimangot siya at umirap sa akin na siya namang ikina-tawa ko. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na ayaw niyang tinatawag ko siya 'non. He prefers to be called by his name, not any endearment. Pero anong magagawa ko? He started it! 

I can't help but to laugh silently.

Masarap lang talaga siyang bwisitin pag ganito siya ka-saya. Hindi kasi siya marunong magalit, sa totoo lang... minsan iniisip ko kung tao pa ba siya dahil puro pag-unawa at kabutihan nalang ang pinapakita niya sa lahat. Hindi lang sa akin kung hindi sa lahat ng taong nakapaligid sa kanya.

MONTGOMERY 7 : Free FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon