Ikasampung Tugtog

18K 626 122
                                    

Hi Inspirados! 

For all those who were affected by Typhoon Ulysses, I hope and pray na okay kayo ngayon.

Everyone, I hope you enjoy this chapter. 

Thank you! 


I won't back down

"So are you ready for tomorrow?"

I looked at my watch and saw that it was already five o'clock in the afternoon. "Wait, mag pa-park lang ako."

Agad kong pinarada ang kotse ni daddy nang makakita ng bakanteng parking sa gilid ng grocery store. Sinara ko ang makina ng sasakyan at kinuha ang susi ng kotse.

Inipit ko ang cellphone ko sa pagitan ng tainga at balikat ko habang binubuksan ang pintuan.

"Hmm... sakto lang. Matagal na kasi noong huli kong punta sa beach kaya hindi ko na alam kung paano ako mag ha-handa. But right now..." Nag-angat ako ng tingin sa grocery store at gamit ang aking tuhod ay sinara ko ang kotse. "I am at the grocery to buy necessities. Hopefully, mabili ko ang mga kailangan."

I heard him chuckle, kaya napangiti rin ako ng hindi namamalayan. "Don't stress about it too much. We're supposed to have fun, no hassle. If may kulang, bibili nalang tayo sa bayan ng Del Cid." Ani Clyde.

I nodded as if he could see me. "Oo na, but still... bibilhin ko na yung mga kailangan. Kung may ipapabili ka, just message me okay? I have to go now."

He sighed. "Okay. Take care of yourself, see you tomorrow."

I smiled sweetly and ended the call.

Hindi ko alam pero ilang araw ng parang nakalutang ang puso ko. Clyde and I extended our stay for a week because of some business matters he has to deal with. Gustuhin ko man mauna pabalik sa Singapore ay hindi ko nagawa dahil pinakiusapan niya ako na hintayin siya, then a moment after... nalaman ko nalang na nag organize siya ng bakasyon para sa aming dalawa sa isang lugar na hindi ko pa napupuntahan.

Philippines sends me different emotions every moment it can. Pakiramdam ko, lagi akong may unfinished business dito. Hindi ako makalabas dahil pakiramdam ko may makikita ako na hindi dapat. I am so afraid because I know, hindi ko pa kayang haraping ang bagay na tinatakbuhan ko.

Hindi ko alam kung gaano ako katibay at karupok ngayon. Nalayo ako ng matagal na panahon, ang akala ko sapat na yon para makalimot at maharap ang mga bagay na dapat wala ng epekto ngayon pero hindi pala ga'non kadali 'yon.

Buti nalang at mag babakasyon kami ni Clyde. 

Atleast, we will be away from Manila.

Away from him.

Maybe, mas makakapag isip ako kung ano ba ang dapat gawin, o kung may dapat bang gawin.

I shook my head and held my phone tightly. I need to pull my self together.

Bumuntong hininga ako at naglakad patungo sa loob ng grocery store. Kumuha ako ng cart at sinimulan na ang pag hahanap ng mga kailangan ko pati na rin ang sa tingin kong kailangan ni Clyde.

Natigilan ako sa pag kuha ng toothpaste at toothbrush nang mahagip ng paningin ko ang free taste ng ice cream sa may kabilang dulo.

Sa hindi ko inaasahan, rumagasa ang napakaraming ala-ala sa isip ko.

"Ano ba, Nathaniel? Tara na! Male-late na tayo! Bahala ka, ayoko mapagalitan ni Ma'am Sanchez!" Inis kong sabi habang hinihila siya palabas ng grocery.

MONTGOMERY 7 : Free FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon