Ikalawang Tugtog

21.8K 635 81
                                    

Hello to erang_! Thank you so much for the appreciation. Your comment made me smile.

Freedom

December 10, 2017

Napaka-espesyal ng araw ngayon, para sa akin, ito ang araw na lubos akong nag papasalamat sa Diyos dahil nabubuhay ang taong labis kong gustong mahalin ng sobra-sobra pa sa alam kong pamamaraan. So today, I'm silently praying that God will bless him more, to make him happy because seeing him happy makes me happy too.

But with that, I'm also praying that God will let me forget this painful love I have for Nathaniel...

Because for today, I'm starting to pray for my freedom.

"Saan ang punta mo?"

"Sa Montgomery Residences po." Sagot ko sa tanong ng aking ama.

Umupo ako sa aming sofa at inabot ang flats na kahapon ko pa pinag-isipan na isuot. Bahagya akong yumuko para maisuot 'yon ng maayos pero hindi nakatakas sa akin ang pag buntong-hininga ng aking ama.

Lihim akong napakagat sa aking labi at kinuha ang buong lakas ko para umaktong wala siyang dapat ika-bahala. Matamis akong ngumiti at nag-angat ng tingin sa kanya. Nakatayo siya sa harapan ko habang bakas sa kanyang mga mata ang lungkot at pagka-bahala.

Umiling ako. "Papsh, alam ko na 'yang iniisip mo—"

"Alam mo nga ba?" Tanong niya na walang halong sarkasmo.

Alam ko... alam na alam ko.

"Believe it or not, Papsh. Alam na alam ko pero 'wag mo ng itanong sa akin kung ano man 'yon, I have no courage to say it out loud. Sarilihin nalang natin, ah?" I said like it's the most normal thing in the world.

Like... it didn't bother me nor hurt me. I said it as if it's just me asking my father for a favor. A favor that cost so much.

Kita ko ang malungkot niyang mga matang nakatingin sa akin. Gusto ko mag-biro at sabihing hindi niya bagay ang maging malungkot pero hindi ko magawang basagin ang pinag-uusapan namin. I know it hurts him to see his only child being like this.

Sinong ama ba ang mag nanais na magka-ganito ang anak niya? Every father would wish to see his daughter receiving love without her asking for it.

"Bakit ko ba hinayaang maging malapit ka pa sa lalaking 'yon? Dapat ay noong una palang, ipinagbawal ko na ang pagka-kaibigan niyo."

Napaawang ang labi ko sa kanyang sinabi.

Ayokong maging ganito ang tingin niya sa pagka-kaibigan namin ni Angelo. The friendship I have for him should be separated from the feelings I have for him.

Pero pwede ba 'yon? Pwede ba na ibang usapan ang dalawa?

"Papsh, walang kasalanan si Nathaniel. Isa pa, ako ang may mali, ako ang may nararamdaman 'e..."

"...but don't worry. Matatapos din 'to. Without you noticing, I've already moved on. Malay mo, ka-tapak ng bagong taon, wala na 'to." Saad ko sabay ekis ng aking mga kamay.

I hope so... I pray.

"Sana nga anak, sana nga. 'Yan din ang hiling ko dahil kung hindi, ipapabugbog ko na talaga 'yang lalaking 'yan. Aba! Ang kapal ng mukhang hindi ka magustuhan! Napaka-ganda ng anak ko, matalino pa, masipag at higit sa lahat—"

"Prinsesa ng mga Cabildo." Pag tutuloy ko sa kanyang sasabihin.

Sumilay ang ngiti sa labi niya na siyang ikina-ngiti ko rin. Tumayo ako at tinawid ang distansya namin. Mabilis kong kinulong ang sarili ko sa bisig ng tatay ko at niyakap siya ng mahigpit. Pumikit ako at hinayaang kumalma ang nanakit kong puso.

MONTGOMERY 7 : Free FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon