Ikatatlumput-siyam na Tugtog

4.6K 178 49
                                    

Pinangarap ko

Umuulan, basang-basa, naninikip ang puso, parang binalik ako sa ala-alang mula sa napakasakit na kahapon.

Bumaba ako ng sasakyan at kinuha ang payong ko. I walked steadily and watched him from afar. He was still wearing the same clothes noong huling nag kita kami. 

Nakaupo siya sa bench sa may gilid ng university, nakayuko at nakapatong ang mga kamay sa hita.

Dahan-dahan akong umupo sa gilid niya, nag laan ako ng distansya sa pagitan namin, sapat lang para mapayungan siya.

Mula sa kamay niya, kita ko ang bahagya niyang pag galaw, marahil ay napansin niya na ang aking presensya. Lakas loob ko siyang tinignan at hinintay na tumingin sa akin. Napalunok ako nang mag tama ang mga paningin namin at nakita ko roon ang pamumula nito dahil sa iyak.

His eyes were bloodshot red, showing clearly his pain.

I slightly smiled and waited a bit.

Hinayaan ko lang na tignan niya ako. 

My heart aches thinking how far this is from what I hoped for. Dati, akala ko, kapag nag mahal ka, basta nag mamahal ka ng totoo, only good will come out of it. But as I see my bestfriend breaking in front of me, I cannot say the same. 

I will never regret what happened to the both of us, it lead me to the man I love the most today. But my heart has its space, a space where it hurts and will hurt for a very long time, hindi para sa akin kung hindi para kay Angelo.

"Angelo..." I managed to say.

"Lia..." basag na boses niyang banggit sa pangalan ko.

Pinilit ko panatilihin ang ngiti ko. "Ano namang ginagawa mo rito at nag papabasa ka?"

Umiling siya. "Akala ko kasi... kung babalik ako dito..." he stopped and looked ahead.

Hindi ko inalis ang paningin ko sa kanya. Hinintay ko lang siya, this is the least that I can do for him. 

To help him walk through this.

"Akala ko... kung babalik ako, baka bumalik din lahat sa dati."

Napaiwas ako ng tingin dahil sa sakit na naramdaman para sa kanya. Bumagsak ang puso ko sa narinig, it reflected how down his shoulders were. A Montgomery, someone who shouldn't even bow down, someone who's managing a chain of hotels, is here beside me, looking as if he lost his world.

For him to be this vulnerable...

"I am sorry, Angelo..." bulong ko.

"I am sorry," subok kong pag lakas sa boses ko.

A tear escaped from my eye.

"Ayoko marinig sayo 'yan, Lia."

"I am aware of the mistakes I did before, Angelo. Sinabi ko sayo noon na I have decided to be selfish and the moment I have decided that, I knew I had to leave you. Iyon din ang araw na pinili ko ang sarili ko. I had reached my limit at that time. Waiting for you wasn't a choice, kasi alam ko hindi ko na kaya. I saw how you were with Beatriz, you were so in love, you were very happy, sino ba naman ako para pigilan 'yon? Kaya umalis ako. I am very sorry for hurting you this way, alam ko na walang mababago yung sorry ko, at hindi kayang burahin 'non ang selfish decisions ko noon, but I still want you to know that it was never my intention to hurt you. Akala ko kasi, masaya ka, akala ko leaving would be for the best."

"Kung hindi ka ba umalis 'non at sinabi kong mahal kita, pipiliin mo ako?"

Natutop ko ang aking labi sa kanyang tanong. Parang sumabit sa ere ang mga salitang pinag handaan kong sabihin.

MONTGOMERY 7 : Free FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon