Ikalabing-walong Tugtog

4.9K 145 16
                                    

Start of closure

"Hm," rinig kong pag galaw ni Tulip mula sa kanyang kama.

Napatingin ako sa orasan at nakitang five o'clock palang ng umaga. Napayakap ako sa unan at mas naramdaman ang pagiging komportable ng aking higaan. Mas binalot ko ang aking sarili sa puting kumot dahil sa lamig na pumapasok sa nakabukas na bintana ng aming cabin.

Hindi mapigilan ng isip kong lumipad papunta sa ala-ala ng gabi. Pinasadahan ng palad ko ang lambot ng unan at tila nakapa nito ang lambot na naramdaman ng puso ko kagabi.

"Angelo... sigurado ka ba? You really think we can still be friends?" Tanong ko.

Hindi ako mag sisinungaling at basta-basta nalang o-oo. Ngayong lumilinaw na sa amin dalawa ang mga nangyari noon, ngayong totoo na kami sa naramdaman namin noon, kahit hindi pa rin ako lubusang makapaniwala, kahit na maraming tanong sa isip ko, especially about his girlfriend... tingin ko ay may mas dapat akong isipin. 

Ang pagiging totoo. 

Kaya ngayon na gusto niya maging mag-kaibigan, kailangan ko siguraduhin na ayos lang talaga iyon dahil baka mas lalo kami magkaproblema kung hindi naman pala...

"If... if you're asking us to be f—friends dahil lang sa nanghihinayang ka, don't be—"

"Hindi ako nanghihinayang, Lia. Mas gusto ko pa nga ata na nangyari 'to," he slightly chuckled by what he said. "Ang masabi sayo ang nararamdaman ko..."

Humugot siya ng hininga. "Friends?"

Inalok niya ang kamay niya sa akin. Bumaba ang tingin ko roon at bahagyang nahigit ang aking pag-hinga.

Muli akong nag-angat ng tingin at nagtama ang mga mata namin. His deep eyes bore into mine. Naalala ko, doon nakilala si Angelo. Yes he was known because of his surname but his eyes definitely contributes a lot. 

Masyado itong maganda...

Parang ginawa ang mga mata niya ng walang katulad, na parang para sa kanya lamang talaga ito.

Para itong paraiso na gugustuhin mong makita at tignan parati. It's like an unknown island, a beautiful one, na gugustuhin mo nalang na itago hangga't maaari. 

My favorite...

"Okay... friends." May kabagalan kong tugon sabay tanggap ng kamay niya.

Kita ko ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi at mas hinigpitan pa ang pagkakahawak sa kamay ko. Sinubukan kong kunin ito pero hindi niya alintana 'yon, basta nakangiti lamang siya habang hawak-hawak ako.

I looked at him and watched him. Ngayong magkahawak ang aming mga kamay at mula sa kanyang pag-amin kanina, parang naramdaman ko ang bahagyang paglapit ng mundo niya sa akin, na ni minsan ay hindi ko naisip mangyari. Yes, we were bestfriends, pero pakiramdam ko ay napakalayo niya pa rin para abutin, that there will always be a gap between us, something I wouldn't be able to cross.

That we were parallel lines...

No chance of meeting.

I smiled and took a deep breath.

"Angelo, yung kamay ko," pag-tawag ko sa atensyon niya at mukha naman nagulat siya sa sinabi ko.

"Uh..." bumaba ang tingin niya sa aming mga kamay. "Oh..."

Mabilis niya binitawan ang kamay ko at napaiwas ng tingin. Bahagya akong natigilan dahil sa kanyang inakto. 

He got shy?

MONTGOMERY 7 : Free FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon