Baby
"Wow! Ang ganda naman niyan!" Manghang sabi ko habang nakatingin sa cellphone ni Clyde.
Nakahiga kami ngayon sa master's bedroom. Hindi na namin naabutan ang sunset kaya napag desisyunan namin na gigising nalang kami ng maaga para makita ang sunrise.
"This is Fritz, Tulip's cousin." Aniya, tinutukoy ang pinsan ni Tulip sa totoo niyang pamilya.
Pinakatitigan ko ang picture at namangha talaga sa crochet top na suot niya. Kulay brown at beige ang ribbed top kung kaya't mas naging 'cute' ito. Gustong gusto ko ang mga pinili niyang kulay, more on baby pink, peach, sage, white, beige... mga tipo kong kulay ang nandoon sa page na iyon.
Halos siya ang may suot ng mga iba't ibang patterns. May ibang suot ng iba, marahil ay mga pinsan niya, pare-pareho silang chinita. Nakakita rin ako ng isang litrato ni Tulip, pero kalahati lang ng mukha niya ang nakuha sa picture, may suot siyang lavender na ribbed top din, fixed with buttons in front.
Ang ganda tignan, mukhang maganda ang pagkakagawa, hindi minadali. I can't help but noticed the yarns used, I wonder how's the quality.
Manghang mangha ako habang nag ba-browse si Clyde, pero natigilan ako nang marinig siyang kaunting tumawa.
"Cute." Aniya.
Nilingon ko siya, at dahil nakapatong ang baba ko sa balikat niya, ay tumama ang ilong ko sa ilong niya.
Our lips brushed which made my frown turn into a smile.
"Anong tinatawa mo?" Taas kilay kong tanong.
"Masyado ka kasing nakatutok sa tinitignan mo, hindi mo napapansin na nanlalaki ang mata mo at ngiting ngiti ka," he said with a matter-of-fact tone.
Napanguso ako at umirap.
"Because it amazes me. Wala kasi akong patience sa ganyan, being a blogger makes me always on the go, dahil don hindi na ako napipirmi. Just imagine the time and effort they pour just to make those? Ilang araw o oras..."
Binalik niya ang tingin sa cellphone niya at pinindot ang isang picture ni Fritz, suot niya ang isang color peach mixed with sage na cardigan.
"That's passion we see right here. Kahit kay Tulip noon, tuwing may paintings siya o hindi kaya nung nag aaral siya for sculpting, madalas buong araw lang 'yon nakaupo, doing her own thing."
Napangiti ako sa kwento niya. I have always admired Tulip and her dedication. She have endured many things pero at the end, she bloomed to become the person she was meant to be.
"She is amazing..." bulong ko.
"You are too."
I scoffed. "Hay naku, Clyde! Ayan ka na naman sa mga bola mo. Of course you'll say that, girlfriend mo ako 'e."
Binalingan niya ako ng tingin at gumalaw para ikulong ako sa bisig niya. Tumagilid siya para yakapin ako at kahit anong pumiglas ko ay ayaw niya ako bitawan.
Dikit na dikit ang katawan niya sa akin at talagang pinatong niya pa ang kanang binti niya sa ibabaw ng dalawa kong paa para hindi ako makawala.
We're both wearing matchy white satin sleepwears, presko naman, may aircon pa, pero parang ang init.
"Fiancé kita." Ngiting pag tatama niya.
I rolled my eyes and hissed. "Oo na. Fiancé. Hindi naman iyon ang ibig ko sabihin."
"Alam ko. Pero dapat alam mo rin na you're amazing. Hindi mo lang alam. Pero kahit dati pa, I am always amazed by your dedication." Sandali siyang tumigil para hawiin ang takas na buhok sa gilid ng aking pisngi. "Both to your commitment sa blog mo, to the pictures you have to take for your readers, to picking the places you go to and of course your music, the time you put with every song you sing, kahit nakakaselos ang tatlong bodies of water na 'yon."
BINABASA MO ANG
MONTGOMERY 7 : Free Fall
RomanceSi Liazabel A. Cabildo, isang babae na may ginintuang puso. Kilala siya hindi lamang sa taglay niyang kabaitan kung hindi dahil na rin sa kung paano niya patakbuhin ang kanyang buhay. She's the youngest daughter of Emil Juan Cabildo, a famous former...