Ikatatlumpung Tugtog

5.2K 200 107
                                    

Fight for me...

Minulat ko ang aking mga mata nang maaninagan ko ang ilaw mula sa labas. Napaayos ako ng upo mula sa loob ng sasakyan ni Clyde at napabaling sa driver's seat.

Where is he?

Naramdaman ko ang pag bigat ng puso ko nang maalala ang nangyari kanina. Mabilis kong hinaluglog ang bag ko para hanapin ang cellphone ko para tawagan siya pero bago ko pa iyon magawa ay nakuha na buong atensyon ko.

Hinanap ng mata ko ang narinig na sigaw at natagpuan si Clyde na nakaluhod sa malawak na field kung saan nakaparada ang mga helicopters ng pamilya nila. Ngayon ko lang napansin na dito niya ako dinala, naririnig ko lamang ito dati mula sa kanya, na ito ang paborito niyang lugar na puntahan...

...tuwing gusto niya mapag-isa.

My eyes stayed on him. Naglakas loob akong buksan ang pintuan ng sasakyan at lumabas mula rito, hindi inaalis ang mga mata mula sa kanya.

Inilibot ko ang mga mata ko sa buong lugar. Greens are everywhere, night shining so bright, stars on our vision, the moon giving enough light... a man crying, giving heavy breathing, kneeled while he clutched his hand on his heart.

I gasped for air and hugged myself from the cold air surrounding us.

Humakbang ako palapit sa kanya at tinungo ang harapan niya. Lumuhod ako at kahit nanginginig ang kamay ay inabot ko ang kamay niya para hawakan. Nanatili lamang siyang nakayuko habang nakaluhod, ilang butil ng luha niya ang tumulo at nahulog sa magkahawak naming kamay.

"Lia! Beatriz played with us, she planned it all along," hindi pansin ni Angelo ang paligid, sa akin lamang ang buong atensyon niya. "It is you... since the very start, ikaw lang..."

Napaawang ang labi ko dahil sa nakikita mula sa matalik na kaibigan. He looks so frustrated and damn... desperate.

"I loved you... no... I still love you, hanggang ngayon." Aniya.

"Angelo..." tangi kong nasabi.

Naramdaman ko ang pag bitaw ni Clyde sa akin at doon ko naramdaman ang pagkapunit ng puso ko.

No... no, Clyde...

"I wanted to deny my feelings for you... that's why... I got so confused... I tried loving someone else..." bigong bigo na sabi ni Angelo. "Pero ikaw pa rin, hanggang ngayon... alam nila lahat 'yon... noong una pa lang... pero wala ni isa ang naglakas loob na sabihin sa akin 'yon," he gasped for air as he held my hands tighter. "...hindi ka dapat umalis... kung hindi dahil kay Beatriz... if I hadn't stop myself from expressing my love for you, kung hindi ako natakot na masira ang pagkakaibigan natin, alam ko... tayo... tayo ngayon..."

I opened my mouth to say something pero tanging pag-iling lamang ang nagawa ko. I am so sad... to see and hear this from a person I have deeply loved before. Alam ko ang pakiramdam na 'to, yung hopelessness, yung gusto mo umasa na may magbabago sa sitwasyon, that... you're hoping... the situation will work out on your side.

Kasi nagmahal ka lang naman...

"Sigurado ako... tayo ngayon... if things didn't happen the way they did..." habol hininga niya.

"But they did..." bulong ko sapat lamang para marinig niya.

Kita ko ang lalong pagdaan ng sakit sa mga mata niyang namamasa na dahil sa luha.

"We can't blame anyone for what happened, Angelo. Kahit si Beatriz pa." I carefully said as I look at him with so much care. "The decisions we made happened because of us, hindi ng kahit sino..."

MONTGOMERY 7 : Free FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon