Ika-limang Tugtog

20.1K 679 111
                                    

Hi to marvamay! Maraming salamat sa appreciation. To answer your question, no... hindi ko pa naranasan 'to. More likely, nakukuha ko ang inspirasyon para masulat 'to sa mga kaibigan kong nakaranas na. I saw a lot of situation na ganito ang set up at doon ko kinukuha ang hugot ko. Though I am trying my best to put my touch on this story, gusto ko na maramdaman din ng lahat ang nararamdaman ni Lia, naranasan man nila ito o hindi. Salamat!

December 31, 2017

One day... one day.

I believe that one day, I will wake up, not feeling this anymore. The feeling of sadness, tiredness and longing. The feeling of regret, pity and pain not just for myself but for everyone around me.

Sabi nila, masakit daw mag mahal...

Oo nga. Tama sila. Sobra-sobra.

Nakakapang-hina. Nakaka-sakit. Higit pa sa inaakala mo.

I can't phatom the days without him. Nabuhay ako sa mundong 'to na alam kong mayroon akong Angelo Nathaniel Montgomery sa buhay ko. Nabuhay akong iniisip na kahit anong mangyari, mawala man ang lahat sa akin, siya... hindi mawawala.

But here I am, crying for him. Crying because I know that even how much I cry and how much I shout for his name, walang darating.

Aaminin ko, the day I told him my goodbye, pagkagising ko noon mula sa gabing 'yon, I have my regrets. Iniisip ko na sayang, baka kayanin ko pa, na baka... napagod lang ako at hindi ko pa talaga hangganan pero noong naka-usap ko ang taong laman talaga ng puso niya...nawala lahat ng pag-sisisi ko.

I told myself that... "Tama lang ang desisyon mo, Lia. Para sa'yo, sa kanya at sa lahat."

"Hello. Sorry na-traffic ako. Nag-hintay ka ba ng matagal?" Tanong ko sa taong kaharap ko.

Ngumiti siya ng matamis sa akin tulad ng lagi niyang ginagawa. Sa nasaksihan kong ngiti, mas nakonsensya ako.

Umiling siya at tinawag ang waiter.

Pinagmasdan ko lamang siya habang ginagawa niya ang mga bagay na 'yon. She did everything with grace. Sobrang ganda niya na hindi ako nag tataka kung bakit siya nagustuhan ng taong mahal ko.

She looked at me and told me to say my order. I smiled and nodded. Sinabi ko ito sa waiter at sinundan siya ng mga mata ko hanggang makalayo siya sa akin. Napalunok ako para makakuha ng lakas bago siya muling tinignan.

Sa pagtingin ko sa kanya ay siya rin na pagsalubong ng mga mata ko sa kanyang mga mata.

Napawi ang ngiti niya sa akin na bahagyang sumuntok sa puso ko. Nakaramdam ako ng pangamba. Pakiramdam ko tuloy may pagkakasala ako sa taong kaharap ko ngayon.

Wala nga ba?

"Lia." She uttered my name.

Sumandal siya sa kanyang kina-uupuan. Ang maputi niyang balat ay nasisinagan ng araw mula sa pwesto namin na malapit sa bintana.

She forced to smile. I know it means something else.

"Mahal ko si Angelo." Aniya.

I nodded.

I know. I know that fact already but why do I feel so hurt?

"I know that, Triz. Besides... he's your boyfriend. Mahal ka..." I gulped. "Mahal ka rin niya." I forced to say.

They both love each other. Alam na alam ko 'yon pero bakit niya pa sinasabi sa akin 'to?

She raised an eyebrow.

MONTGOMERY 7 : Free FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon