Unang tugtog

31.8K 691 116
                                    

Hi to Yen2377! I love your comment, I love how you felt the pain Lia was definitely feeling back on "Simula". The pain she feels deep inside because of the fact she loves her bestfriend beyond the friendship they have. Thank you! I totally appreciate it.

You're weird

December 2, 2017

Sa munting pag-bukas ng aking mga mata, tila siya pa rin ay nasisilayan. Kahit wala siya sa tabi ko, nakikita ko pa rin siya. Kahit sa pag-pikit, siya pa 'rin... pero tulad ng lagi kong dasal, sana ay malimutan siya sa susunod na pag-gising.

As of now... siya pa 'rin.

My heart is still loving him.

"Lia!"

Halos mapapitlag ako sa narinig na pag-sigaw mula sa aking likuran pero kasabay din 'non ay siyang pag-silay ng ngiti sa aking labi.

Mabilis kong binitawan ang aking gitarang hinahawakan at nilingon ang taong tumawag sa akin, hindi naman ako nabigo dahil tama ang aking konklusyon. Bumungad sa akin ang napaka-gandang si Alice Montgomery, pinsan ng kaibigan at lalaking tinitibok ng puso ko.

"Ate Alice!" Masayang-masayang pag-tanggap ko sa kanyang presensya.

She opened her arms to invite me for a hug. Mas lalong lumawak ang ngiti sa aking labi at nilakad-takbo ang pag-lapit sa kanya. Mabilis ko siyang niyakap ng mahigpit na kina-hagikgik niya. Ilang segundo ang aming naging yakapan bago kami humiwalay sa isa't isa.

Bahagya akong lumayo habang may ngiti pa rin sa labi.

Tulad ng sa akin, bakas sa kanyang labi ang matamis niyang ngiti. "You little girl, how could you leave without telling me!" Kunwaring pag-tatampo niya.

Napahawak ako sa aking buhok at natawa nalamang sa kanyang sinabi pero bago ko pa siya masagot ay natigilan na ako sa taong nahagip ng aking mga mata. Lumalakad ito palapit sa amin mula sa likuran ni Ate Alice.

Kasabay ng pag-dapo ng aking mga mata sa taong 'yon ay siya rin pag hampas ng malakas ng aking puso, tila nag-wawala na naman ito na hindi naman bago.

Lagi naman...

Pinilit kong 'wag matanggal ang ngiti sa aking labi. Napansin siguro ni Ate Alice ang pagka-tigil ko dahil siya rin ay lumingon sa taong tinitignan ko at kita ko ang pag-taas ng kanyang kilay, ang kanyang ngiti ay naging ngisi at napailing-iling pa.

"What are you doing here, Gelo? Hindi ba ay sinabi ko, bigyan mo ako ng time to talk with your bestfriend? Lagi ka nalang sumusulpot kahit hindi ka naman kailangan." Mataray nitong sabi sa kanyang pinsan.

Peke akong natawa sa narinig habang palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa. Sinamaan lamang siya ng tingin ni Angelo na naging dahilan ng pag-irap ni Ate Alice.

"Ano ba 'yon, Ate Al? Why do you need to talk to me?" Pag-putol ko sa masamang ngiting pinupukol nila sa isa't isa.

Isang irap pa muli ang binigay ni Ate Alice kay Angelo bago niya ako nilingon muli. Sa kanyang pag-lingon ay parang nakita ko kung ano ang sinasabi nilang galing niya sa pag-arte dahil ang bilis niyang mag-palit ng emosyon.

Kung kanina ay halos maningkit ang mga mata niya sa sama ng titig niya kay Angelo ay siyang pagkaka-iba naman ngayon dahil ngiting-ngiti na naman siya.

Umiling siya at inabot ang aking kaliwang kamay.

"Nevermind, I'll talk to you later after your gig. Gusto ko kasi tayo lang ang mag-uusap, yung ikaw lang makaka-hear sa sasabihin ko, yung walang asungot na parang dog sa pag-buntot sa'yo." Aniya habang hawak-hawak ang aking kamay.

MONTGOMERY 7 : Free FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon