Crazy
Nagdaan ang ilang linggo at nagpatuloy ang ga'non.
I'll do the groceries, I'll find him there.
Hindi ko alam kung ano ba ang tamang dapat gawin kaya hinahayaan ko na lang. Lagi ko sinusubukan na unahan siya sa pag bayad pero kahit kailan ay hindi ako nagtagumpay. Parang kasangga niya ang lahat ng tao rito.
Minsan ay ihahatid niya ako hanggang taxi pero minsan ay mawawala nalamang siya ng parang bula. Gusto ko man siya kausapin, parang umiiwas naman siya.
Sa totoo lang, hindi ko siya maintindihan.
Nakasanayan ko nalang na makita siya roon kahit hindi nakakausap. Minsan ngingitian ko siya pero iirapan niya lamang ako. Pakiramdam ko may atraso ako sa kanya na hindi ko matukoy kung ano. Marahil dahil talaga kay Angelo. Clyde is known to be very kind and a gentleman, hindi na nakakagulat na ganito siya sa akin pero yung pag susungit niya, hindi ako sigurado... pero isa lang naman ang naiisip kong dahilan, 'yun ay si Angelo.
Parang iisa lang kasi silang lahat, ga'non sila ka-bonded. Maybe... as I went away, I wasn't only leaving Angelo, but leaving all of them.
Hmm...
Hay! Ayoko na isipin.
I went here for my peace, bahala na si Clyde sa pakay niya rito.
Kung gusto niya ubusin ang pera niya sa mga groceries namin, bahala siya!
"Good afternoon!" Bati ng guwardya sa akin.
Napangiti ako at tumango. "Good afternoon!" Bati ko pabalik.
Nag baba ako ng tingin at napatingin sa orasan ko.
Two o'clock in the afternoon.
Nilibot ko ang paningin ko at nang walang makitang bakas niya ay nag patuloy na ako para kumuha ng cart.
Makikita ko rin naman siya maya-maya panigurado.
Sa bawat aisle na pupuntahan ko ay ililibot ko ang paningin ko, nagbabakasakali na makita ko siya. Nakasanayan ko na 'yon gawin sa mga nag daan na linggo, nakakagulat na hindi ko pa siya naaaninag ngayon. Bawat maririnig na kaluskos ay mapapalingon din ako, minsan kasi ay ga'non siya, kapag naka trip— magtatago na para bang hindi ko siya makikita sa pagilid-gilid niya.
Nasaan kaya siya? Nagtatago ba siya?
Inisa-isa ko ang bawat aisle, kahit sa mga parteng hindi ko naman pinupuntahan talaga ay tinitignan ko...
...pero wala talaga.
I felt a nudge inside me.
Hmm...
Lia naman! Nakasanayan mo lang makita yung tao, hinahanap-hanap mo na. Hindi naman niya responsibilidad na makita mo siya rito parati. Baka nagsawa na 'yon pumunta rito at ipagbayad ka ng mga groceries! Umalis ka na nga ng Pilipinas ng walang sinasabi, ginawa mo pa siyang tagabayad ng mga pinamili mo.
Mainam nalang din na binabawasan ko ang dami ng dapat kong binibili.
O baka naman...
Umuwi na siya ng Pilipinas?
Naramdaman ko ang kaunting pagkirot ng puso ko.
Natigil ako sa paglalakad at lumuwag ang pagkakahawak ko sa cart.
Oh...
Posible nga iyon.
Marahil tapos na niya ang rason niya sa pagpunta rito sa Singapore. Baka business iyon o kung ano man. Kainis! Now I feel bad! Hindi ko man lang alam kung anong sadya niya dito sa bansang 'to.
BINABASA MO ANG
MONTGOMERY 7 : Free Fall
RomanceSi Liazabel A. Cabildo, isang babae na may ginintuang puso. Kilala siya hindi lamang sa taglay niyang kabaitan kung hindi dahil na rin sa kung paano niya patakbuhin ang kanyang buhay. She's the youngest daughter of Emil Juan Cabildo, a famous former...