Safe distance
"Hey... you're spacing out." Ani Clyde.
Mabilis akong lumingon sa kanya at ngumiti. Umiling ako para maipakita na ayos lang ako kahit na nag hihikahos na ang aking puso sa kaguluhan.
Pagkagising ko palang ay nakita ko na agad ang mensahe niya mula sa aking cellphone. Pinapalabas niya ako at niyaya sa veranda ng aming cabin kung saan kami tumutuloy ni Tulip.
Maaga pa kaya hindi ko na muna ginising si Tulip.
"Are you bothered dahil nandito sila?"
Umiling ako.
"Are you unhappy with the place?"
Muli akong umiling at sumandal sa kinauupuan.
"Are you--""Clyde, I am okay."
"You're used to saying that..." he breathed. "...and I am used to seeing how untrue you are everytime you say that."
Binalingan ko siya ng tingin at sinimangutan. Ito na naman siya at ang kanyang mga pangaral sa akin.
Napahawak ako sa aking sentido at hinilot 'yon. Hindi ako gaanong nakatulog ng maayos dahil sa masamang panaginip. I am happy that it was just a dream...
Panaginip lang...
Sa panaginip na 'yon, siya muli ang laman. Sinasabi niya ang mga bagay na minsan kong hiniling na marinig mula sa kanya. At hindi ko akalain na masasabi ko rin sa kanya ang dala-dala ko sa loob ng maraming taon.
Pero, kahit na siya ang laman ng panaginip ko... I am not happy, not even an ounce. Kasi pareho kaming nasasaktan doon.
Hindi 'yon ang nais ko.
Ang kagustuhan ko lang naman ay bumalik ng wala ng kahit ano pang nararamdaman para sa kanya maliban ang pagkakaibigan na simula't sapul ay ang dapat kong maramdaman lamang.
Hindi ko ginusto na makita siyang ganito. Ayaw ko. I hate to see him in pain.
"Zabel..." Clyde whispered.
I forced a smile and took a deep breath.
"Uminom ka na ng gamot mo?"
Umupo siya sa aking tabi at ipinatong ang ulo sa aking balikat. Bahagya siyang nahirapan dahil di hamak na mas malaki siya kaysa sa akin ngunit hindi naging dahilan 'yon para umalis siya.
"I did. On time. You don't have to worry about me."
"Paano naman ako hindi mag aalala sa'yo? Imposible ata 'yon." Malambing kong sabi at bahagyang inabot ang mukha niya para haplusin.
"Ayoko ng mag alala ka sa akin. Kaya gusto ko ng gumaling."
Kung normal na pag kakataon lang ay tatawanan ko siya dahil napakapasaway niya tungkol sa pag inom ng kanyang gamot.
Pero rinig ang pagiging determinado niya sa kanyang sinabi.
"Hmmm... dapat lang, you can't continue like this. You can overcome. Balang araw, hindi mo na kakailanganin pang uminom ng mga iyon." I said with comfort.
Inabot niya ang kamay kong nakahawak sa kanya at ibinaba iyon.
Umayos ako ng upo at tinignan siya. Sinalubong ako ng mga mata niyang tulad ng dati ay nagpapakita ng pag aalala.
Clyde's features will always be comforting. Kahit noon pa man ga'non na ang nararamdaman ko tuwing nakikita siya. Kilala ang mga Montgomery sa malakas nilang presensya. Kahit sa loob ng isang kwartong maraming tao, pag pumasok na sila, tiyak na mapapalingon lahat sa gawi nila.
Pero si Clyde, I was never intimidated by him. Siya yung tipo na parang kaya kang sagipin sa kahit anong kapahamakan, at kaya niya iyon gawin sa kahit sino. He will always lend a hand to someone who needs it.
His lips curved into a smile. Kitang kita ang pagkakahawig nila ni Kuya Carl tuwing ngumingiti siya ng ganito.
Bumaba ang kanyang tingin sa aking kamay na hawak niya pa rin.
"I can't continue holding this too, right?"
Napaawang ang labi ko sa kanyang sinabi.
"Clyde..."
He licked his lower lip and looked in front. Tanaw namin ang payapang katubigan habang unti-unting mas lumiliwanag ang paligid dahil sa pag litaw ng araw.
"You don't have to be sorry." Aniya sa normal na tinig.
"Clyde, listen to me... you don't have to worry about anything okay? Just continue holding me like we used to, kasi ako nakakapit din ako ng sobra sayo."Bahagya siyang nagulat sa aking sinabi. Ngumiti ako at hinaplos muli ang kanyang mukha. "You looked so surprised, hindi maganda to, you are doubting us."
Bahagya siyang ngumiti at inakbayan ako.
Pinagmasdan ko ang pag usbong ng araw. Namamangha ako sa ganda nito. Minsan kong hinagad na sana, araw nalamang ako. Nakakapag bigay liwanag at pag asa, umuusbong man o naglalaho.
"Zabel,"
BINABASA MO ANG
MONTGOMERY 7 : Free Fall
RomanceSi Liazabel A. Cabildo, isang babae na may ginintuang puso. Kilala siya hindi lamang sa taglay niyang kabaitan kung hindi dahil na rin sa kung paano niya patakbuhin ang kanyang buhay. She's the youngest daughter of Emil Juan Cabildo, a famous former...