Ikaapatnaput-dalawang Tugtog

3.7K 120 36
                                    

Hi Inspirados! A funny story, 2 weeks ago, dapat na post na to, foolish me, hindi ko pala napindot ang publish button. For days, I was wondering and got quite sad na walang likes or comments (notifs), naisip ko... maybe it was the result of my inactiveness. And okay lang yun, I started with nothing, I can always start somewhere. Then today, I decided to start writing the next chapter, only to see na naka drafts pa yung chapter na to! Hahaha!

How's your holiday going so far?

Enjoy!

Dampi

"Bakit hindi mo sinabi?" Halos mabasag ang boses ng kanyang ina sa pag tanong sa akin.

I looked at Tita Jade with so much regret. Pinagsiklop ko ang dalawang kamay ko habang pinipilit silang tignan kahit na ang tanging gusto ko nalamang ay yumuko at mag tago, puntahan at samahan nalang siya.

"Mom... let's not bombard her with questions. She looks like she'll faint..." ani Kuya Carl.

Tipid akong napangiti at napailing.

"I-I am sorry po... hindi ko rin po kasi alam ang buong detalye... I just know po na umiinom siya ng gamot dahil nagkaka-panic attacks siya paminsan-minsan pagkatapos noong..."

"Eskandalo-"

"Issue..." pagtatama agad ni Kuya Carl kay Tita Jade sa sasabihin.

"Pero dumalang na po, madalang na maladang nalang..." sabi niya nakatulong ako roon. "...kaya hindi ko rin po alam bakit ngayon..." mahinang pahayag ko.

"Oh God... my son..." nanghihina at garalgal na boses ang lumabas kay Tita Jade.

Napahawak siya sa upuan kung kaya't mabilis siyang dinaluhan ni Kuya Carl. He helped her sit. Napapikit ako ng mariin para patahanin ang kalooban ko. Kailangan ko maging malakas para sa kanya. He has been my rock all these times, ako naman ngayon...

Hindi ako pasmado pero parang pag papawisan ang mga kamay ko sa kaba. Minulat ko ang mga mata ko at bumungad pa rin sa akin ang puting dingding ng hospital. Nandito kami ngayon sa LH, si Tito Ivor ay naka-antabay kay Clyde habang sinusuri ito ng Doktor, gustuhin ko man na naroroon ako, hindi ako pinakawalan ni Tita Jade.

Clyde has been conscious for a few minutes after he collapsed pero agad din siyang nakatulog. Hiling ko nalang na sana mamaya ay makausap ko na siya. I want to hear it from him... that he's okay...

"Kuya!"

Napalingon ako sa parating at nakita si Tulip na patakbong papunta sa kinaroroonan namin. Her hair flowed effortlessly behind her back, her pale skin seems a little pinkish now-- like it's glowing. Napaka simple lang ng suot niya, naka pink tube top lamang siya at high waist na shorts.

She immediately hugged Tita Jade at mas napayuko ako. I caused them so much panic... kung sanang mas pinilit ko si Clyde mag sabi sa kanila...

Thinking about it now... hindi niya masyado naikwento ang buong detalye sa akin. May alam ako oo... pero pakiramdam ko... wala pa rin akong ideya sa lalim ng sitwasyon.

Dati, iniisip ko, I will never really know kasi wala naman ako roon, pero... ngayon... parang pinili niya talagang sarilinin lahat.

"Ma..." ani Tulip sa garalgal na boses.

"Your brother..." Tita Jade almost gasped for air.

"I am sorry..." isang hikbi ang kumawala kay Tulip.

Napaangat ako ng tingin sa narinig.

Sorry? Bakit?

"I should... I should have said..." napahawak siya sa leeg niya kung saan naroroon ang isang kwintas.

MONTGOMERY 7 : Free FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon