Ikadalawamput-tatlong Tugtog

4.3K 154 19
                                    

Hotel

"I will stay... too" rinig kong sagot ni Clyde sa akin.

Tulad ng kanyang sinabi kanina, pumunta siya kinagabihan para ipagdala kami ng pagkain ni mamshie. Tahimik lang ang buong dinner lalo na at madalas natutulala si mamshie. Pagkatapos ng dinner ay dumiretso rin sa tulog si mamshie at hindi na kami binalingan kahit man lang para sa isang salita.

Nasa may balcony kami ng kwarto para hindi magambala si mamshie sa kanyang pagtulog. Hindi ko alam pero sa paglipas ng segundo...minuto na nakatayo kaming dalawa sa ilalim ng malamig na gabi, nahahanap ko ang tamang paraan ng pag hinga na nakalimutan ko ata gawin pagkatapos ng mga nalaman.

"Clyde,"

I looked at him. "Are you sure?" Tanong ko.

I told him my decision not to go back to Singapore for the mean time at hindi ko pa alam kung kailan ako babalik. Kailangan ako ni mamshie rito at marami pa akong kailangan gawin... tulad nalang ng kausapin si papshie. Kahit na alam kong nasabi na ni mamshie sa akin ang kalahati ng katotohanan, o marahil ay ang buo... kailangan ko pa rin makausap si papshie, for my peace of mind.

I want to hear him.

His eyes showing so much care and worry looked back at me. Tumango siya at tinanggal ang makapal niyang itim na jacket.

Mabagal siyang lumapit sa akin at pinatong 'yon sa aking magkabilang balikat. Doon ko lamang napansin na kanina pa ako nakayakap sa aking sarili dahil sa lamig. Marahan akong ngumiti at hinawakan ang jacket para hindi ito mahulog.

"I am sure, besides bumabalik lang ako roon dahil sa'yo..." his baritone voice said. 

Bahagya kong nahigit ang hininga ko sa kanyang sinabi. Para bang nakarinig ako ng mga salitang alam ko na dati pa pero iba pa rin kapag narinig mismo galing sa kanya.

Pilit at lakas loob ko siyang nilingon. 

Hindi ako sigurado kung paano niya nakikita ang mga mata ko ngayon pero buong puso ko siyang tinignan. Nanglambot ang mga mata niyang mataman na nakatingin sa akin kung kaya't hindi ko napigilan na yakapin siya.

I hugged him tight. 

Siniksik ko ang sarili ko sa kanyang bisig at nilapat ko ang pisngi ko sa kanyang dibdib.

Maagap naman niya akong niyakap pabalik at mas dinikit pa ako sa kanya. Damang dama ko siya, mula sa kanyang jacket na nag sisilbing proteksyon ko sa lamig... hanggang sa kanyang init, pintig ng puso at bisig na sinakop ako.

"I am so scared, Clyde. Na baka... yung pamilya na akala ko meron ako... wala pala..." my voice broke.

I felt him tighten his hug.

"I want to talk to him, pero takot din ako na madismaya o mabigo sa maririnig mula sa kanya." I gasped for air. "Parang ayaw ko nalang marinig ang paliwanag niya, para magalit nalang ako... kasi mas madali 'yon," I said in between breaths.

Para akong kakapusin ng hangin sa bawat sinasabi. 

"But... you have to hear him out. Minsan, kahit gaano pa kasakit ang katotohanan, kailangan natin 'yon tiisin at harapin para na rin sa sarili natin. Your father is still you father, Zabel. Ano man ang takot mo sa maririnig sa kanya, don't forget the relationship between you two." He whispered as he give me light kisses on my hair.

"But..." I barely said.

"Sometimes, when people do things that caused us pain, nakakalimutan natin ang mabubuting pinagsamahan. Please try to listen to your father first. I know you know him better and you know deep in your heart he deserves to be heard."

MONTGOMERY 7 : Free FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon