Ikadalawamput-anim na Tugtog

4.5K 186 70
                                    

Immensely

Fifteen years ago...

"Papshie, saan po tayo pupunta?" Magiliw kong tanong kay papshie habang sinusuot niya ang sapatos ko.

I am wearing a simple yellow dress, may iilang puting polka dots pa bilang disenyo. It was kind of fit and flowy, ang sapatos ko naman ay isang pares ng black closed shoes. Naka high knee socks pa ako, at sa pinasuot sa akin ni papshie ay alam kong pupunta kami sa isang importanteng lugar.

Usually I am wearing a white shirt and pants, at kung mag mamatchy kami ni papshie ay mag susumbrero rin ako ng tulad ng kanya, hindi tulad ngayon na gayak na gayak ako.

"Pupunta tayo sa mga kaibigan ko, sa mga Montgomery. Birthday ng bunso ni Tito Ivor mo kaya dadalo tayo." He smiled at me as he try to fix my socks.

Tumango nalamang ako at sumama kay mamshie at kay papshie.

The party was nice, sobrang engrande kung tutuosin. Bunso at natatanging babae raw ang may birthday, ang buong pamilya nila ay naka prince and princess na costume.

Hindi ko naman unang beses dito, ilang beses na rin ako nakadalo sa party ng mga Montgomery pero lagi lang ako nasa tabi, I am an ambivert and unless gumaan ang loob ko sa mga tao, hindi talaga ako nakikisalamuha agad. It's just... I am shy to mingle with others, especially sa mga Montgomery, they just look so... confident, baka nga masusungit at maarte pa sila, ga'non kasi ang mga schoolmates kong ubod ng yaman.

May kaya naman kami pero sabi ng mamshie ko, ang mayaman daw ay ang mga lola at lolo ko, yung amin ay sapat lang para mabili namin ang kailangan at mga gusto namin.

Pero itong mga Montgomery, sa tingin ko mayaman kahit yung mga bata.

Ay ewan ko, bahala sila. I can't wait to go home and play with my guitar. 

Inilibot ko ang paningin ko at nakakita ng tree house sa may dulo ng garden. Tumingin ako sa gawi ni mamshie at papshie na abalang nakikipag usap at tawanan sa mga kaibigan nila. Muli akong bumaling ng tingin sa may tree house at napanguso. Gusto ko pumunta roon, gusto ko makakita ng totoong tree house... ano kaya itsura 'non sa loob? May mga laruan kaya roon? O di naman kaya may gitara tulad ng mga napapanood ko sa telebisyon.

Pinagmasdan ko ang mga tao at nakitang lahat ay abala sa kanya-kanyang ginagawa, lahat ay nagkakatuwaan, ang iba ay kumakain. Wala naman sigurong makakapansin kung... pupunta ako roon?

Natigilan ako nang may dumapong butterfly sa may lamesa. Kulay dilaw ito tulad ng suot ko. Lumipad 'yon paikot sa akin at nang subukan ko itong hawakan ay lumayo ito sa akin at bahagyang lumipad papunta sa gawi ng tree house.

Hmm... eh kung sabihin ko nalang na yung butterfly talaga ang sadya ko roon? 

Totoo naman...

Ineengganyo ako ng butterfly pumunta roon...

Dahan-dahan ay bumaba ako sa kinuupuan ko at napatingin muli sa butterfly. Tumigil ito na para bang hinihintay ako pero muling lumipad kaya binilisan ko ang lakad ko para masundan siya. Nang dahan dahan nalang din ang lipad niya ay tsaka ko na binagalan ang lakad ko habang nakatuon ang mga mata ko sa butterfly.

Nang marating namin ang tree house ay tumigil ito at lumipad sa may bubong ng maliit na tree house. Namamangha lamang ako habang nakatanaw roon. Luminga ako sa paligid at wala naman nakitang tao roon kaya humawak ako sa kahoy na nag sisilbing suporta ng hadgan paakyat sa tree house.

Humakbang ako ng isa at umapak sa unang palapag ng hagdan, dahan-dahan ang ginawa kong pag-akyat dahil baka masira ang dress ko at talagang malalagot ako kay mamshie at kay papshie!

MONTGOMERY 7 : Free FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon