Ikaapatnaput-siyam na Tugtog

1.8K 65 11
                                    

Clyde's home

Ikatlong silip kay Clyde

Like sunsets, light fades...

Dahil alam kong hindi ipapagkaloob ang pagmamahal na hinahangad ko. I can swim through the depths of the ocean, fall over and over again... pero kung hindi para sa akin, hindi talaga.

There were so many factors to think about. But two were at the top.

My situation and his love for my cousin.

Pero sa kabila 'non ay... wala akong balak isalba ang sarili ko. Humantong ako sa desisyon na... kahit makita ko lang siyang masaya at ngumingiti sa harapan ko ay ayos na ako. Mananatili ako sa tabi niya hanggang kailangan niya ako, hanggang nakikita niya ako.

At sa panahon na hindi na, papalayain ko siya ng maluwag sa puso ko.

Her happiness above mine.

Her happiness... is all I need.

We have built a good relationship together, I don't know what to call it but... I guess we're together to help each other.

At iyon ang pangarap ko.

Kahit papaano natupad. Ang damayan at makasama siya.

But then... the demons inside me... never left.

Ang dilim ng kahapon ay laging nagbabadya sa akin. Kahit anong takbo ko, hindi ko matakasan.

She doesn't deserve this. A half me... paano ko siya aabutin kung hindi ako mabuobuo?

I hope... when the time comes she doesn't need me anymore... hindi ako maubos. I might really lose everything when that time comes. Baka ikamatay ko.

Bakit hindi ko nalang talikuran at lumihis sa ibang daan? I could spare myself the pain of letting her go... yes... but...

A life with her will always be a dream come true. No matter how short it will be, alam kong wala akong pag sisisihan sa pangarap na 'yon.

Nanamnamin ko pa rin.

Tama si Uno. I might find the reason to live if I see her, and through her, with her smile... gaze... touch... voice... nahanap ko.

Kahit gaano kaikli ang panahon na ibinigay, kahit papaano... mabubuhay ako.

"Hmm, Clyde?"

Bahagya ako napangiti nang marinig ang boses niya. Her voice is soft and gentle, hindi pa rin ako makapaniwala na kasama ko siya sa sasakyan ko. Pinagmamaneho siya. Kausap siya.

Dati, hindi ko man ito magawang pangarapin.

"Yup?" Saglit ko siya nilingon habang nag mamaneho.

"Yung mga iniinom mong gamot? Para saan ang mga 'yon?"

Nagulat ako ng kaunti sa tanong niya. Hindi dahil ayaw ko paalam pero dahil nagulat ako na ngayon niya 'yon naisip itanong.

Hindi ko naman iyon tinatago sa kanya, I just do the usual... drink my medicine once a day. Sa araw-araw namin pag kikita ay sigurado naman ako na mapapansin niya rin iyon, hindi ko lang inakala na itatanong niya pa iyon.

We got really close and we spend a lot of time together.

Sometimes I'll pick her up from her rehearsals, or I'll go visit their house, o minsan aayain ko lang siya lumabas para mag kape. That is our favorite thing to do, randomly eat and drink somewhere nice, spend hours of talking to each other, waiting as the sun sets.

My favorite view is watching the warm setting sun hit her face subtly as she sips from her coffee.

My favorite thing to hear is her... telling me what she newly discovered about herself.

MONTGOMERY 7 : Free FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon