Ikatatlumput-isang Tugtog

5.5K 167 38
                                    

Two o'clock

Makikita ko kaya siya ulit dito? Ano kayang ginagawa niya rito? Nandito ba ang mga Montgomery? Bakit kaya ang sungit niya?

Nagalit kaya siya nang malaman niya na iniwan ko sa ere ang pinsan niya? Pero sana maintindihan niya yung ginawa ko.

Hmm... o sadyang, baka iritado lang talaga siya noong araw na 'yon? O baka iritado siya sa akin? Baka matagal na siyang iritado sa akin, hindi niya lang sinasabi? Baka pinakikisamahan niya lang ako noon dahil sa pinsan niya?

Kahit ba yung mga biglaang pag uusap namin noon? Ga'non lang talaga 'yon?

Parang lulubog ang puso ko sa naisip.

Sana naman hindi...

Napakakonti nalamang ng mga malalapit sa akin... at isa siya roon, kahit naman papaano, gusto ko siya maging parte ng bagong buhay ko.

Huminga akong malalim bago pumasok sa loob ng grocery kung saan ko noon nakita si Clyde.

Biyernes ulit ngayon, weekly grocery ko para sa amin nina Kuya. Exact time, two o'clock pm.

Hindi ko alam kung gugustuhin ko ba siyang makita ngayon. Parang dadagain yung puso ko. Parang ayaw ko dahil kinakabahan ako sa posibleng pakikitungo niya sa akin. Pero... masaya naman ako makakita ng pamilyar na mukha...

Naramdaman ko ang pag salubong ng malamig na hangin mula sa aircon ng grocery store. Kasabay 'non ang pagtambol ng puso ko sa kaba. Pumunta ako sa may cart section at mabilis na napalingon sa isang lalaki dahilan ng pagka bangga ko sa mga cart na nandoon.

Clyde?

Lumingon ang lalaki at nang makita ko ang kanyang mukha, dismayado kong binaba ang tingin sa cart na nasa harapan ko.

Hindi siya si Clyde.

Nagpatuloy nalamang ako sa paglalakad habang tulak-tulak ang cart na hawak ko.

Natigilan ako nang may makitang lalaki sa may gilid ng vegetables section, naka hoody ito na kulay itim at nakayuko. Napaayos ako ng tayo at muling tinignan ang lalaki.

Lalapit ba ako? Parang siya 'to... hmm... base sa porma? Pareho ng tangkad, kahit ang tindig... pero medyo moreno lamang 'to, may pagka mistiso ng kaunti si Clyde.

Lapitan ko ba? Mag hi lang? Mangamusta?

Kaya lang baka sungitan ako ulit? Baka samaan na naman ako ng tingin?

Humakbang ako para mas makalapit pa, pero nang maka-ilang hakbang na ako, umayos siya ng tayo at nag-angat ng tingin.

Nahulog ang puso ko at nakaramdam ako ng pagkalungkot.

Bumaba ang tingin ko sa hawak kong cart at dismayadong tinulak ito sa ibang direksyon.

Mali na naman ako...

Ano bang ginagawa ko? Bakit ko ba siya hinahanap? Hindi ba mas maganda na hindi ko na makita pa ang kahit sino sa kanila? Baka mas mabuti na hindi na siya maging parte ng bagong buhay ko? 

Sabagay... bagong buhay... bagong tao.

Pero wala akong naging kaibigan masyado... mga Montgomerys lang. At maliban kay Angelo, kay Clyde na ata pinaka-panatag ang puso ko.

Pero kung mag momove on ako... dapat ba mag move on din ako mula sa kanilang lahat?

Sa sandaling pananatili ko rito marami ako narealize. Isa na roon ang katotohanan na wala ako masyadong kaibigan. Umikot na ang mundo ko sa mga Montgomerys simula pa noong bata ako. Oo, nakakalabas ako kasama ang mga kaklase namin ni Angelo noon pero nasasabay lang iyon tuwing may group projects. Sa pag blog ko naman noon, mas madalas na mag isa lang ako at kung may mga kasama man ako, hindi ko rin naman masyado naisip na ibukas pa ang sarili ko.

MONTGOMERY 7 : Free FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon