Ikadalawamput-limang Tugtog

4K 174 26
                                    

Fifteen years

Anak...

Mariin kong naipikit ang mga mata ko. Hindi ko mahanap sa sarili ko na tignan ang sarili kong ama. Kahapon hanggang kanina... parang ang tapang-tapang ko. Gustong gusto ko siya makausap, at marinig ang katotohanan.

Pero ngayong nandito na siya, isang lingon nalang ang pagitan naman, tsaka naman ako parang dadagain.

"Zabel," mahinang tawag sa akin ni Clyde.

Nanatili pa rin siyang nakahawak sa akin.

"Anak..." muling tawag sa akin ni papshie.

"Papshie..." nanginginig kong tawag sa kanya habang dahan-dahan ko siyang binalingan ng tingin.

Humihigpit ang hawak ko kay Clyde nang tuluyan ko ng masilayan ang tatay ko.

Sandali ako natahimik nang magtama ang mga mata namin. I felt my eyes sting with tears as I see my father in front of me. Nanunuot ang sakit sa puso ko habang nakikita siyang abot kamay pero hindi ko man siya malapitan.

Gustong gusto ko siyang yakapin ng mahigpit pero nangunguna ang galit sa puso ko.

He's really here...

Nandito siya. Nagpapatunay lang ito sa lahat ng nangyayari.

Kung hindi ko siya pinuntahan, hindi kami mag kikita. Hindi niya man kami hinanap ni mamshie.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya gamit ang tono na puno ng pag-aalala.

Mas nanakit ang puso ko.

Pinilit kong ngumiti. He looks so tired. Parang wala siyang tulog. Marahil ay dahil siya ang nagbabantay sa anak... niya...

"Papshie, pwede... ko po ba kayo makausap?" Hirap na hirap kong tanong.

I felt Clyde's hand reached for my shoulder.

Napaawang ang labi ni papshie at gumuhit ang sakit sa kanyang ekspresyon. Napalingon siya sa pintuan sa kanyang likuran at para bang hating-hati ang isipan niya.

"Hindi kasi ako pwede mawala ng matagal, umiiyak ng sobra ang..." natigilan siya sa kanyang pag-sasalita nang matanto ang nangyayari.

Oo papshie, alam ko na. Alam ko ang lahat. Hindi ko alam kung bakit parang wala kang alam at kung bakit hindi mo kami naiisip pero ang sakit... makita kang ganito na para bang nang lilimos pa ako ng oras mo.

Before... akala ko pagdating kay papshie, kami ang priority, kami ang number one...

Ngayon, maling mali pala ako...

Because we were never the family I thought we were...

I opened my mouth but shut it again.

"Liazabel, I am sorry..."

Nahulog ang balikat niya at malungkot na malungkot akong tinignan. Gusto kong hawakan ng literal ang puso ko kasi parang bugbog na bugbog na siya.

Namamanhid na sa sakit.

"Malapit naman na siyang lumabas, uuwi na rin ako sa bahay, pangako aayusin ko 'to. Magpapaliwag ako sa'yo... sa mga kuya mo... Naipaliwanag ko na 'to sa mamshie mo—"

Umiling ako. "Baka wala na ho kayong uwian." Putol ko sa kanya.

Halata ang gulat sa kanyang mga mata nang marinig 'yon mula sa akin.

"Anong ibig mo sabihin?"

"Umalis po kami sa bahay, ayaw umuwi ni mamshie. Sina kuya naman, wala pa rin pong alam..."

MONTGOMERY 7 : Free FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon