Ikatlong Tugtog

19.9K 636 122
                                    

To all Inspirados! Happy New Year! Thank you for waiting! I'm sorry for not updating much, buhay estudyante.

December 24, 2017

Looking at the stars, I can't help but to hope that one day, I'll wake up... feeling nothing anymore. Sabi nila... walang masama sa pagmamahal kahit na hindi ito nasusuklian pero hanggang kailan? Hanggang kailan hindi masamang makaramdam ng ganito?

Will it end?

Right now... as of this day... I'm praying that it will.

"Aba Liazabel! Wala ka na bang balak umalis diyan sa kusina?"

Napangiwi ako sa narinig kong pag-sigaw ng nanay ko pero sa huli ay humagalpak din ako sa tawa.

Napailing ako habang kinukuha ang baked cupcakes ko sa counter top at tinungo ang kinaroroonan nila. Agatha, Nathaniel's sibling, taught me how to bake the best cupcakes ever. Since then, lagi ko na itong hinahanda para sa pamilya ko, specifically every Christmas dahil hindi naman kami madalas magkasama-sama.

Bakas sa aking mukha ang ngiti at saya habang naririnig ko ang maingay na tawanan at kwentuhan ng pamilya ko sa dining namin.

It's Christmas Eve and I can say that it is the best time of the year. Wala na atang sasaya pa habang nakikita ko na sama-sama ang buong pamilya ko. The Cabildos are here and I'm so happy to see them and talk like it was just yesterday since we saw each other.

We do this every year, tuwing twenty'four ng December ay pumupunta sila sa bahay namin at hihintayin ang pasko kasama sina mama at papa, while me... I have a different way of waiting for the midnight.

A very different way.

Beautiful one.

"Here are the cupcakes!" I said with my highest tone.

"Ayan na! Tataba na naman tayo niyan dahil sa mga pinapakain sa atin ni Lia." Natatawang sabi ng kapatid ni Papshie.

I chuckled. "Okay lang 'yan Tito! Pasko naman."

"Salamat naman at natapos ka na!" Kantyaw sa akin ni Papshie dahil kanina pa raw ako nasa kusina.

I pouted and placed the tray on the top of the center table. Nag-unat ako habang pinagmamasdan ang mga pagkaing hinanda ko para sa kanila habang nag hihintay ng pasko.

Rinig ko ang palakpak ng isa pang kapatid ni Papshie.

"You're really the best Lia! Halos hindi na gumalaw ang Mama mo sa kusina dahil ikaw na ang nag luluto ngayon." Aniya.

My mom nodded proudly while looking at me. Nanglambot naman ang puso ko dahil sa narinig, it's nice to hear their appreciation towards the things I gladly do for them.

"Oo nga, pwede na mag-asawa!" Dagdag na komento ng panganay na kapatid ni Papshie.

Mabilis na napatayo si Papshie dahil doon na ikina-tawa naman namin. Maagap akong umiling habang tumatawa, the look on my father's face is priceless! Parang totoong mag-aasawa na ako.

"Malayo mangyari 'yan Kuya Paul, matagal ng friend-zone ang anak kong ito." Aniya habang sinasabayan ang pagbibiruan ng mga kapatid niya.

Napabuga ako ng hangin sa narinig at sabay na napahawak sa tapat ng aking puso. Bahagya ko itong minasahe habang masamang tingin ang ginawad ko sa direksyon ng tatay ko.

"Grabe ka naman, Papsh! Pag ako nakapag move-one, who you ka sa akin!" Inis kong sabi.

Muling tumawa ang aking ama sa narinig. Umiling-iling siya habang nakatingin sa akin.

MONTGOMERY 7 : Free FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon