Ika-apatnaput isang Tugtog

3K 92 36
                                    

Meds

Ngiti ang sumilay sa labi ko nang maramdaman ko ang pagtama ng katamtamang init ng araw mula sa aking balikat.

Uminit ang puso ko sa bagong pag gising. How I dreamt of having this kind of morning, yung kalmado, panatag, sigurado... masaya. The feeling of reaching something you were only dreaming of touching before. Yung pinagdadasal at hinihiling mo, alam mo na sa bawat mulat ng mata mo, nandyaan na.

"Lia?" Matamis na tawag sa akin ni mamshie.

I opened my eyes and saw the sun peeking through my windows. I pushed myself up and removed my covers.

Narinig ko ang pag katok ni mamshie.

"Mamshie, lalabas na po!" Sigaw ko para marinig.

"Nasa labas na ang manugang ko, Lia! Nahuli ka na naman nagising, bata ka!" Sigaw pabalik ni mamshie.

Marahas akong napasapo sa aking mukha bago tignan ang orasan sa gilid ng kama ko. It is already ten-thirty o'clock, when we talked about having breakfast at their house at eight o'clock.

Nakakahiya! Kasabay pa naman namin dapat ang mga magulang niya!

Mabilis akong tumayo at tumakbo palabas, forgetting about my appearance, hair, jammies, everything that shouts 'I just woke up'

"Clyde!" Sigaw ko nang matuntong ang sala namin kung nasaan siya nakaupo.

He sat there so formally, like someone who's going to face his girlfriend's parents and will ask their daughter's hand for marriage.

Mabilis siyang napabaling sa akin.

"Sorry!" Disappointed na disappointed kong sabi dahil sa kahihiyan.

Natigilan siya habang nakatitig sa akin.

Napatingin ako sa sarili ko at napasapo muli sa aking mukha.

"I'm going to prepare!" Natataranta at nahihiya kong sabi.

I turned around and did a few steps away, only to be stopped by a hand.

Hinigit niya ako at mabilis na niyakap.

Nahigit ko rin ang hininga ko dahil doon, nanglambot ang puso ko at napabuntong hininga, the adrenaline in my heart became more intense.

Marahan niyang hinalikan ang noo ko.

"How lucky to see you like this early in the morning," malambing niyang sabi.

Nakunot ang noo ko at marahas siyang tinulak.

"Nang-aasar ka ba!" Naiinis kong sabi.

I glared at him and just saw him hiding a smile.

"No!" Aniya.

"Yes!" Pilit ko.

"No, Lia."

"Yes!"

"No... I meant it."

"Yes nga!"

Siya naman ang nag kunot ang noo. "You're grumpy, do you have yours today?"

I glared at him once more and rolled my eyes.

"Ewan ko sayo, mag aayos na nga ako!"

"Hey!" Muli niya akong hinila pabalik nang akmang aalis ako.

"I can't wait for us to get married, para ikaw na makita ko araw-araw, pagkagising."

Gumuho ang puso ko sa narinig at parang kinurot ang bawat piraso nito. I melted so much...

MONTGOMERY 7 : Free FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon