EP2__MADISKARTENG ELENA

119 9 3
                                    

Ngayon ko lang napuntahan itong address ng nagpapa deliver sa akin ng pagkain kaya naman malakas at buong pwersa ang pagkatok ko sa napaka taas at napakalaking gate mula sa labas

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ngayon ko lang napuntahan itong address ng nagpapa deliver sa akin ng pagkain kaya naman malakas at buong pwersa ang pagkatok ko sa napaka taas at napakalaking gate mula sa labas.
Nakakapagtakang mayroon palang ganitong talyer sa loob ng isang magarbo at mamahaling subdivision dito sa QC. Bukod sa mga gwardya sa bungad ng subdivision ay mayroon ding mga nagrorondang mga security guard sa kalsada at sa tapat mismo nitong talyer.

" TALYER ni REGGIE" ang nakalagay na pangalan sa mismong gate na kulay pink kaya naman sigurado akong ito na nga ang address na nakasulat sa maliit kong notebook.

"Sarang fried chicken delivery po from FOOD LANDIA!!!__ AKO.
Sakto namang bumukas ang pinto sa may bandang kaliwa kaya agad akong lumapit sa maliit na gate.

" Miss...Over here! Well I don't have a cash right now kaya card ang ipambabayad ko okey lang ba?__Babaeng naka tali ang buhok na may maputing ngipin.

"Okey lang Boss,Tumatanggap kami ng cash at card. Eto na po yung order nyo. 3,790 po ang total. Here's your card Ma'am and enjoy your meal.__AKO.

"Wait Miss,Hindi ko kasi sya kayang bitbitin lahat.Pwede mo ba kong ihatid muna sa loob?__Pretty girl.

Luminga linga muna ako sa paligid ko bago ako sumunod sa kanya sa papasok sa mataas na gate.Mahirap na at baka may naka amba palang panganib sa akin sa loob.Pero dahil mukha namang harmless si ganda kaya agad na din akong sumunod sa kanya dun sa loob.

"Pre,Paki abot na lang yung dala nung delivery girl. Ang dami pala nitong order mo Prince,Sira ulo ka talaga!Para namang kaya natin tong ubusing tatlo.___Pretty lady.

"Nakakahiya naman kay ate girl,Pinagbitbit pa natin. Thank you miss. Kung gusto mo,Samahan mo na din kaming ubusin tong mga pagkain.__Short hair girl na may dimple.

"Oo nga naman Miss,Saluhan mo naman kami.Sayang naman tong denilever mo kung di naman namin kayang ubusin.Ang daming nagugutom ngayong panahon ng pandemic.___Shorthair din sya pero may tattoo sa braso.
Sya yung tinawag ni pretty girl kanina na PRINCE.At sa pagkakatanda ko,Sya din yung nag order ng food.

"Naku mga Bossing pasensya na.May mga nag aantay pa kasi akong deliveries. Saka yung motor ko sa labas baka mawala.
Mahirap ng masalisihan,Yun lang ang kaisa isa kong pinagkaka kitaan.Sige salamat na lang.__AKO. Agad akong lumabas sa pinto ng room kung saan sila naka tambay.

"Miss,Salamat. Hayaan mo next time oorder ulit kami sa inyo. Ikaw din sana ulit yung mag deliver sa amin. By the way,Ako nga pala si Regie.Yung dalawa ko namang kasama sa loob,Sina Prince at si Sunny yun. Salamat uli.__Regie.

"Walang anuman.Salamat din sa pag order. Tawag lang kayo kapag may gusto kayong ipa deliver.Kahit ano pa yan,Basta hindi ilegal ihahatid ko sa patutunguhan on time._AKO.

Mabilis kong pinaharurot ang motor ko at saka bumalik na ulit sa fastfood chain kung saan may dalawa pa akong nag aantay na delivery. At matapos kong ihatid sa kani kanilang address ang mga orders nila ay dumiretso na ko sa bahay.Kung saan nag aantay naman sa akin ang gabundok na labahan.

"Elena,Anak.Ikaw na ba yan?__Nanay Helen.

"Opo Nay,Nandito na po ako.Kinakandado ko lang po itong motor ko at saka ako didiretso na sa banyo para maligo.__AKO

Maaga kaming naulila sa ama.Kaya naman si Nanay na lamang ang mag isang nag alaga at bumubuhay sa amin. Pero dahil sa sakit na diabetes,Mabilis na nawalan ng paningin si Inay sanhi para tumigil sya sa paghahanapbuhay.At ako na ang nagsilbing breadwinner sa pamilya namin mula nuon.

"Elliot,Bumili ka nga ng yelo sa tindahan.Hindi mo na naman nilagyan ng yelo yung water jug.Alam mo namang hindi ako umiinum ng di malamig na tubig.__AKO.

"Sorry ate,Wala pa daw kasing matigas na yelo kanina nung nagtanong ako.Sandali lang at magsusuot muna ko ng pang itaas.__Elliot. Bunso sa tatlo ko pang nakababatang kapatid.
Friendly at palabiro.

"Ate,Bukas na yung deadline ng pagbili namin ng PE uniform. Ako na lang ang walang suot sa buong klase.Ayaw naman ni Miss Castro na hindi ako kasali sa parade.__Elvis. Ikalawa sa bunso. Sya yung balanse sa aming magkakapatid. Matangkad,Matangos ang ilong at pinaka maputi. Kaya naman palagi syang napipiling escort at pambato ng University sa mga pagwapuhang contest.

"Kung bakit kasi hindi ka marunong magtipid.Puro ka bili ng mga bagong damit tapos uniporme sa PE hindi ka makabili. Inaasa mo nalang palage kay ATE lahat. Baka naman pati yang pagsali sali mo sa pagmomodel model mo,Si Ate pa din ang hihingian mo.__Elmo.Sya yung sumunod sa akin.Matalino pero may ugali sya na kapag di nya gustong gawin ay walang pwedeng pumilit sa kanya.

"Wag kang mag alala Elvis,Bukas na bukas din pag sahod ko.Dadaan ako sa School nyo at iaabot ko sayo yung pambili mo ng uniporme mo sa PE. At ikaw naman Elmo,Bibigyan kita ng pambili mo ng bagong sapatos.Ilang kakalagay mo na ng rugby dun sa sapatos mo ah.__AKO

"Wag na ate,Malapit ko ng mabuo yung pambili ko ng sapatos ko.
Baka by next week bago na ang suot ko.Saka hindi pa naman sya ganun ka sira.Uubra pa din sa rugby kaya ayos lang.__Elmo.

"Ako ate,Bibilhan mo na ba ko ng bagong celfone? Nakaka inis kasi si Kuya Elvis eh,Sukat ba namang ibagsak yung fone ko kaya ayun puro lamat na yung screen.Manghihiram na lang kasi di pa marunong mag ingat.Palibhasa hindi kanya!__Elliot

"Wag kang mag alala bunso,May kasamahan ako na gusto ng palitan yung fone nya pagka sweldo.Sasabihin ko sa kanya na sa akin na lang nya ibenta yung pinaglumaan nya at huhulog hulugan ko na lang.__AKO

"Talaga ate? Ang bait talaga ng ate ko.Ang cute cute pa. Hayaan mo bukas,Sasarapan ko yung sinangag na iluluto ko!__Elliot.

Kanya kanya kasi kaming toka sa mga gawaing bahay.Ako ang tagalaba at taga pamili/taga bayad na din ng mga bills.
(Graduating na sana ako sa kursong Mechanical Engineering)
Si Elliot ang taga luto sa umaga at sa hapon. (HRM ang pinag aaralan nya sa MMA)
Si Elvis ang taga hugas ng pinggan (part time model/business management student)
at si Elmo naman ang taga linis ng bahay at taga ayos ng mga nasisira naming kagamitan.(Education ang kurso nya sa SDU)

At dahil limitado lang ang kilos ni Nanay sa bahay,Halinhinan kami sa pagbabantay sa kanya kung kinakailangan at kung sino ang available sa amin.

Matagal na sana akong naka graduate kundi lang sa kakapusan namin sa pinansyal.Halos sumuko na nga ako sa kursong engineering kundi lang malapit na akong makatapos sana.
Mahirap din kasing pagsabayin ang pagta trabaho at pag aaral. Mabuti na nga lang at may scholarship allowance sina Elmo at Elliot kaya hindi kami masyadong gipit kahit na sabay sabay kaming nag sisipag aral sa kolehiyo. Pero sa ngayon,Mas prayoridad ko ang makapagtapos muna ang mga kapatid ko.

(THE VILLAREAL COUSINS) "THE PLAYFUL HEIRESS" SUNNY AND ELENA LOVESTORY (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon